CHAPTER #39

5.9K 291 51
                                    

*fast forward*

"Hello boss, tapos na po ang pinapagawa nyo sakin. Itutuloy pa din ba ang pag ligpit sa babaeng pulis?"

"No. Hindi na kailangan. Bakit ko pa sya pag aaksayahan ng panahon kung pwede namang diretcho na kay Rhian ang plano? Saka hindi naman nya alam na ako ang may pasimuno sa pagkamatay ni Oscar. Kaya stick to this plan... Siguraduhin mong hindi makakaligtas ang pinakamamahal naming ampon."

"Siguradong sigurado Sir, hindi nila malalamang may bomba ang sasakyan na gagamitin ng kapatid nyo. Ikinabit ko ito sa ilalim kung saan madidetect nito ang speed. It's a speed sensitive bomb at pag huminto na ang kapatid nyo sa finish line... Boooommmmm!" Paliwanag nang lalaki na inactionan pa ang mga sinasabi

"Whahahaha!!! Magaling, magaling!!! Let's celebrate the Christmas and New Year in advance... Boooooom!" Sabay tawa at palakpak pa si Gab.

"Sige, mauna na kayo sa Clark at maghahanda lang ako ng acting skill ko para sa pagluluksa... Hahaha *evil laugh*" dagdag nito

...

..

.

Ilang araw na walang naririnig si Rhian kay Gabriel.

"Good Morning Jade... Tara, sumabay ka na samin ni Mama ng break fast" yaya ni Pearl ng mapadaan sya sa dining room

Doktor ang asawa ni Gab kaya busy din ito palagi.

Dumaan si Rhian sa dala at binigyan ng beso ang mga ito.

"Thanks but I think, sa Clark na lang ako kakain with my team. Anyway Pearl, bat di ko nakikitang umuuwi si Ahya?"

"Hindi umuuwi??? E paano na lang ako pag ganon??? (Bahagya itong natawa). You know how workaholic your Ahya is and minsan madaling araw na umuuwi taz ang aga din umalis. Ngayon pa na wala na si Dad, nakatambak sa kanya ang mga trabaho... Di lang kayo nagpapang abot nun. But pupunta yun sa race mo, for sure... Ako din sana kaso ang dami kong appointment sa hospital"

"It's fine Pearl, thank you... Anyway, I have to go now. Aattend pa ako ng ceremony."
Saka bumeso si Rhian sa sister in law nya

"Take care and goodluck shobe... I know you can do it again.. Dad is gonna be proud of you."

"Mag iingat ka anak. Pag natapos ako agad ng mga gawain sa foundation natin, pupuntahan agad kita baby" ani naman ng Mama nito

Ngumiti lang si Rhian sa dalawang babae at saka tuluyan nang umalis.

Pero dadaanan muna nito si Glaiza dahil sasamahan sya nito at manonood ng Race nya.

"Hi gorgeous!!! Tamang tama kalalabas ko lang, ang galing mo tumayming ah" nakangiting bati ni Glaiza kay Rhian habang pasakay ito sa kotse ng girlfriend.

Bilang pagbati, Glaiza give Rhian a kiss...

"Kumain kana? I make a sandwich for you" masayang sabi nito

"Hindi pa e, pero busog nako." Rhian answered

"Busog? E di ka pa nga kumain sabi mo diba???"

Bago pa man makapagsalita uli si Glaiza ay dinampian na ni Rhian ng mga labi niya ang mga labi nito.

"Di ba nakakabusog?" Pilyang tanong ng babae ng maghiwalay sila.

Nun pa lang na gets ni Glaiza ang ibig sabihin ni Rhian.

Kinurot nito ang ilong ng kaharap.

"Ikaw talaga, bumebreezy ka nanaman... Tara na nga... Mamaya ma late ka pa sa ceremony."

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now