CHAPTER #43

6.4K 295 27
                                    

'"Mula nung nangyari ang insidente, hindi na umuwi dito ang Ahya mo... Ni hindi daw tinatawagan si Pearl. Nag 'report na kami sa pulis at sinuko ang laboratoryo ng dada mo sa likod pro hindi mapasok ng mga otoridad ang loob dahil naishutdown ni Gabriel ang system. Nung isang araw, mag nagsabi na dumaan ito sa opisina, nag withdraw ng malaking halaga sa bangko pero di namin alam kung saan sya hahanapin... Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa Ahya mo Rhian... At mas maawa tayo kay Pearl, buntis sya at hindi makakabuti sa kanya ang sitwasyong ito.

"Buntis si Pearl??? Ma, dapat mahanap natin si Ahya... Kailangan natin sya makausap... Handa akong isuko sa kanya lahat ng ari arian natin, magbago lang sya at bumalik sa dati ang pamilya natin..."

"Pero paano anak? Wala tayong ideya kung nasaan ang kapatid mo... Wala sya sa mga guesthouse natin..." Nag aalala na masyado si Amanda sa anak.

Sa likod ng lahat, hindi maiwasan ni Rhian na hindi mag alala sa kapatid. Kahit pa pinagbalakan sila ng masama. Kaya nya itong patawarin basta sumuko lang ito ng matiwasay at mangakong magbabagong buhay.

"Wag nating sukuan si Ahya Ma, umaasa akong isang araw, magigising syang walang kung anong sagabal sa dibdib nya. Marealize nya na higit sa pera, tayo ang mas kailangan nya."

Yumakap si Amanda kay Rhian at tuloy ang pagbuhos ng kanyang mga luha...

"Sana nga anak, dahil kayo na lamang ang meron ako... Hindi pwedeng masira ang pamilyang ito..."

"Tahan na ma,.. Makakasama sa inyo ang sobrang pag aalala at konsumisyon... Magiging ok din ang lahat ng ito." Sabi ni Rhian at hinagod hagod ang likod ng ina.

...


..

.

Hindi pa man ganon kalakas si Glaiza pero pinilit na nitong bumangon at umpisahan ang dapat gawin...

Kahit pa de saklay at puno ng benda ang katawan ay minabuti nitong pumunta sa kampo para sa kasong hinaharap nila.

Wala si Rhian kaya si Alchris na muna ang naging alalay nito at taga maneho pero pihong kapag nandyan si Rhian ay hindi sya nito papayagang umalis.

"Good morning Sir!" Ani ni Glaiza nang makapasok ito sa isang pinto saka nagpugay kamay.

Tumayo naman ang lalaki at ginantihan sya.

"Good morning Galura. Mabuti at maganda na ang lagay mo...maupo ka..."

"Oo nga Sir, sa awa ng dyos... Salamat. So, ano na po ang progress sa kaso natin kay Gabriel? Natunton na ho ba sya?"

"Hindi pa... Kahit pamilya nya, walang alam kung nasaan sya. Malabo ding makaalis sya nang bansa dahil may memo at warrant na tayo sa bawat pwerto kung sakaling subukin nyang mag run away... Pero pasasaan ba at mahuhuli din natin sya..."

"Sana nga ho Sir...handa naman pong makupagtulungan ang pamilya nya para mapasumuko si Gabriel"

"Sige, pag nagkaroon na nang lead, titimbrehan agad kita. Sa ngayon, magpagaling ka muna nang maayos..."

"Ok naman din ako. Saka di ako matatahimik hanggat di nalalaman kung nasaan si Gabriel, who knows, nandyan lang sya sa tabi tabi at nag aabang nang tyempo at pag nagkataon, sasalakayin nanaman nya si Rhian. I cant set my mind Sir"

Tumango tango ang lalaki at tila nakukuha ang ibig sabihin ni Glaiza

"Kung sabagay tama ka. Kung gusto mo, bibigyan ko kayo ng mga tao, for safety and protection."

"No... No need Sir, We can handle this, idagdag nyo na lamang ang mga tao sa operasyon."

"Hhhmmmm, sige kung yun ang gusto mo."

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now