CHAPTER #47

6.2K 281 8
                                    

"hello?" Bungad ng boses mula sa kabilang linya

"Hello Sanya. Sorry I didn't pick up your call, naka silent kasi yung phone ko and I just woke up" alibi ni Glaiza

"It's fine... I had called dahil inutusan ako ni General to give you an update tungkol kay Gabriel at sa plano ng squad. Umamin na si Johnny at nangako syang makikipagtulungan sa atin para mapasuko si Tanchingco. Sinabi na din nya ang kinaroroonan nito" ani ni Sanya

Hope flashed in Glaiza's face at nilingon si Rhian na ngayon ay naka upo sa harap ng kanyang dressing table at nagpapatuyo ng buhok. Somehow, she wish na sana matapos na ang lahat ng pinagdadaanan nila.

"Ok then... sasabihin ko to kay Rhian then we'll talk to their Mom. I'll call you back and in case, pupunta naa lang kami jan so we can talk about the plan."

"Mas mabuti pa nga. So see you na lang sa headquarters"

"Ok"

Hindi na inantay ni Glaiza na makasagot pa si Sanya and she immediately ended the call.

...

"Ano daw sabi ng babae mo?" Pang aasar ni Rhian na tinititigan si Glaiza through the mirror

"Lab!"

"Kidding... so ano nga?"

Bago sumagot nag rolled eye si Glaiza kay Rhian which is very seldom mangyari.

"Ayon, Sanya said, nangako si Johnny na makikipagtulungan sa kapulisan para mapasuko ang Ahya mo. Ipinaalam na din daw nito kung saan ito nagtatago."

"Oh, that's good. So why don't they go there?"

"They will pero syempre they also need to plan it well. Hindi ganon kadali ang lahat knowing that you're brother is a hoodlum. Im so sorry to say that. But you know, lalaban at lalaban yun kung sakali. I think it's right kung makakausap din natin ang Mom mo."

Saglit na napaisip si Rhian. May point si Glaiza... if there's one person who they really need in this situation, ang Mama nya. Karapatan nitong malaman lahat ng mangyayari for her son is the concern.

"Your right. Sige na, maligo ka na and I'll make some breakfast. I'll check kung andito pa si Mama, ok?"

Tumango si Glaiza.

Agad namang tumayo si Rhian at nilapitan ang girlfriend saka ito binigyan ng halik sa noo at tuluyan nang lumabas nang kwarto.

Tumuloy na din si Glaiza sa banyo at naligo.

...

..

.

"Ano ang plano mo ngayon boss?"

Napatiim bagang ang lalaking nakatayo sa may balcony na nakaharap sa malawak na espasyo ng paligid.

Bago sumagot ay humithit muna ito mula sa hawak na sigarilyo

"Pare-pareho kaming hindi makikinabang sa lahat ng ito." Sagot nito sabay buga ng usok

"Anong ibig mong sabihin boss?" Naguluhan ang kasama nito sa sinabi.

"They leave me with no choice. At ano? Susuko na lang ako ng ganon kadali?! NO! Tutal sira nako sa lahat ngayon, edi damay damay na. We'll all meet in hell!" Pasinghal ni Gabriel

"Ipatawag mo ang mga tao natin. Bukas na bukas... Pasasabugin natin ang buong JLT (John L. Tanchingco) Company. Let's play some fire. HAHAHAHA!!!" Dagdag pa nito

"Boss, hindi naman sa nakikialam ako pero paano kung sumuko na lang kaya tayo? Baka sakaling madaan pa ito sa pakiusap"

Imbis na sumagot at palad ni Gabriel ang dumapo sa mukha ng nagsalita

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon