CHAPTER #14

6.7K 288 19
                                    

Rhian's POV

Ang supposed to be breakfast ay naging lunch na coz it takes time for me to finish taking shower. Nagulo nanaman ang isipan ko sa nangyari kanina.

Ksalukuyan kaming magkaharap ni Glaiza sa mesa at tahimik na kumakain, I wonder if she's thinking what I'm thinking right now... Pero sa tantya ko, malalim din ang iniisip nya but I dont have a guts na maunang magsalita... Hayyyy ano ba naman to... Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari...

*Glaiza's phone Rings*

"Excuse me lang, I need to take this..." Sabi nito saka akmang tatayo

Sino kaya kakausapin nun? Kung makalayo kala mo makikiusyoso ako sa caller nya... Hmp! Pero naman kasi, baka suitor nya yun 😥

.

.

.

.

"Hello General?"

"Inspector, tumawag ako para magpasalamat sa impormasyon mo nung isang araw. Natiklo namin ang isang dealer sa may makati... Tama ang ibinigay mong impormasyon... Pero sigurado ka bang may drug laboratory sa bakuran ng mga Tanchingco?"

"50-50 Sir, hanggat hindi ko ito nakita sa loob, hindi po ako makakapagbigay ng kompermasyon. Pero sisikapin ko pong madiskubre ito sa lalong madaling panahon."

"Sige inspector, aasahan namin iyan at umaasa kami sa iyo"

"Makakaasa po kayo... Walang anuman"

Pagkatapos kong makausap ang general, bumalik na ako sa loob para ipagpatuloy ang tanghalian... Tapos nang kumain si Rhian pero nakaupo pa rin ito sa mesa at parang matalas ang mga titig...

"Kaibigan ko, tumawag... Nangangamusta" sabi ko sa kanya

Teka! Bat ako nagpapaliwanag?

Tumaas lang ang isang kilay nito saka sya tumayo...

"Aalis tayo ng 2pm... Mauna nako" plain na sabi nya

"Ok, sige..." Tanging sagot ko na lang. Bigla nanaman atang sinumpong ng kasungitan

Mabilis kong tinapos ang pagkain, ako na din ang nag insist sa mga kasambahay na maghuhugas ng pinagkainan namin.

Pagkatapos ay umakyat na din ako para magligpit at magready...

...

.

.

Habang busy ang dalawa sa kanilang lakad, dumating sina Oscar at Gabriel sa bahay ng mga Tanchingco

"Dad, relax..."

"Anong relax Gabriel? Anong gagawin ko para magrelax, sige nga... Sabihin mo sakin... Sunod sunod na ang pagkatiklo sa atin ng mga parak, at ano? Sa susunod, tayo na ang mabubulilyaso?!"

"No... Hindi ko hahayaan yun... Kaya ng ako umuwi dito para tulungan ka and pls,.. Pwedeng duon na tayo mag usap sa library? Baka marinig tayo dito" saka inalalayan ni Gabriel ang ama papasok sa library

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now