CHAPTER #20

6.7K 311 23
                                    

Halos mabaliw si Glaiza kakaisip kung nasan na si Rhian. Saan nya ito hahanapin?

May mga tao pa ding patuloy na gumagala sa loob ng gubat at naghahalughog.

Sa tantya nya mag dadalawang oras na silang naghahabulan...

"Rhian, asan kana ba... Kasi naman e... Sinabing wag kang umalis...tsk!" Bulong ni Glaiza sa sarili.

Tinuloy nito ang paglalakad. Madilim na ang paligid.

Hanggang sa biglang may nakabangga ito sa sobra nyang pag atras...

Mabilis na tinutukan ni Glaiza ng baril ang tao at ganon din ang ginawa nito sa kanya.

"Glaiza..." Sambit ng babae.

"Rhian... Oh my God.."

Sa sobrang tuwa ay biglang niyakap ni Glaiza ang babae...

Pero maya maya ay bumitaw din ito at nag umpisang mainis...

"Diba sabi ko sayo wag na wag kang umalis doon? Paano kung may nakahuli sayo?! Kung may nangyari sayo?!"

"Im sorry, hinanap din kasi kita e. Natakot ako..." Naiiyak na sagot ni Rhian.

Muli ay nagyakapan ang dalawa...napawi ang takot sa dibdib ni Glaiza ng masigurong ligtas ang mahal niya.

Sa ngayon, hindi nila alam kung nasaan na sila napadpad. Malakas pa din ang buhos ng ulan at madilim ang paligid.

Nagpatuloy ng paglalakad ang dalawa. Habang hawak ni Glaiza ang kamay ni Rhian, ramdam nito ang panginginig ng babae. Marahil ay giniginaw na ito dahil kanina pa sila babad sa ulan.

Hanggang sa wakas ay may natuntun na silang kalsada.

"Pagod na pagod nako..." Reklamo ni Rhian.

Maging si Glaiza ay ganon din... Giniginaw, nagugutom.

"Halika..." Sabi ni Glaiza sabay luhod nito sa harap ni Rhian

"Sakay. Bubuhatin kita..."

"Ok lang, salamat. Alam kong pagod ka din...kaya ko pa naman"

Walang ano ano ay agad na binuhat ni Glaiza si Rhian. Yung Bridal carry...

"Better?"

"Yeah." Sagot ni Rhian at kumapit ito sa leeg ni Glaiza

"Malakas ang kutob ko na isa sa mga business rival ni Dada ang may pakana nito... Kung hindi lang nasira ang phone ko, I can call for help. Kaso nabasa, ayaw na umandar."

"Yung sakin din... But now, sana makahanap tayo ng matutuluyan..and subukan natin balikan yung sasakyan bukas."

"Pero papaano? Ni hindi na nga natin alam kung nasan na tayo..."

Hindi na sumagot si Glaiza. May point si Rhian pero kailangan nya makaisip ng paraan.

Sa di kalayuan ay may namataan silang isang kubo.

Dali daling tinungo nila Glaiza at Rhian iyon at nagtawag, pero walang sumagot sa kanila.

Madilim ang loob nito at para bang walang tao.

Gawa lamang sa kahoy ang bakod nito at halatang wala ngang nakatira duon dahil sira sira na ang mga ito.

Pinasok iyon ng dalawa.

Tanging ang maliit na bag lang ang nadampot ni Glaiza na naglalaman ng service fire arm nya at mga bala. May emergency lighter sya don pero di sya sigurado kung gagana yon dahil basang basa din ang mga ito.

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Där berättelser lever. Upptäck nu