CHAPTER #33

5K 237 22
                                    

Dumaan si Glaiza sa bahay ng mga Tanchingco para mag abang kay Rhian pero matagal na syang nasa labas ay wala pa din ito.

Tyempong may lumabas na isang kasambahay at nagtapon ng basura.

Nilapitan iyon ni Glaiza

"Manang Beth, magandang araw po... Anjan po ba si Rhian?"

Pero imbis na sumagot, tumalikod lang ang babae at parang walang narinig

Ikinataka iyon ni Glaiza

"Teka lang po Manang..." Sabay harang nya sa dinadaanan ng babae

"Pasensya ka na Glaiza... Sumusunod lang ako sa utos ng amo ko. Ipinagbabawal ka dito sa bahay o kahit makipag usap sayo mula ng umalis ka... Kaya Excuse me lang" saka diretcho uli ito ng lakad.

"Manang Beth, pls naman o... Pasensya na talaga... Gusto ko lang malaman kung nandyan si Rhian... Manang kilala nyo po ako, masamang tao ba ako sa tingin nyo?" Pag mamakaawa ni Glaiza

"Kung ano man po ang narinig nyo tungkol sakin, nasa inyo na po kung pakikinggan nyo pero gusto ko malaman nyo na wala akong hinangad na ikasasama sa pamilya ni Rhian... Mahal ko si Rhian manang kaya gagawin ko lahat para pakinggan nya ako at paniwalaan..." Sumamo nya

Ramdam ng babae ang sensiridad sa boses ni Glaiza, kitang kita nya din sa mga mata nito ang kabutihang hangarin ng kaharap.

"Wala si Rhian dito... Nasa burol ni Sir sa Arlington.. Sa susunod na araw na din ang cremation... Glaiza, mahal na mahal ka ng alaga ko... Wala syang sinasabi pero sa tagal ko na sa pamilyang ito, kilala at alam ko na ang ibig sabihin ng mga kilos nila... Di mo alam kung gaano mo napasaya si Rhian ng dumating ka sa buhay nya pero kung gaano mo sya napasaya, higit pa don ang sakit na binigay mo sa kanya dahil sa lihim mo..."

"Alam ko po iyon manang, kaya po ako nandito... Handa akong suungin ang galit at pagkamuhi nya sakin basta lang mapatawad nya ako"

"Sige... Papasok nako."

"Maraming salamat manang beth"

...

..

.

Nagpuntahan ang mga malalapit na kaibigan ng pamilya Tanchingco... Almost of Rhian's friends are there too... Especially Patty.

"Hi..." Bati ni Patty kay Rhian ng tumabi ito ng upo sa babae

Nag half smile lang si Rhian.

"My deepest condolence Rhi... I know this is hard for you so when ever you need a shoulders, andito lang ako... Bilang BEST FRIEND mo... Ok???"

Bahagyang tumango si Rhian sa sinabi ng babae at nagpasalamat.

Habang nakaupo, naka pako lang ang tingin ni Rhian sa kabaong ng Dada nya... She knew everything is real pero upto this time, hindi nya pa din matanggap na wala na ang ama nya...

Patty just sit beside Rhian too... At maya maya ay naramdaman nitong may humilig na ulo sa balikat nya kasunod nito ang pagyugyog ng babae.

Again, Rhian is crying... Silently...

Patty reached for Rhian's hand ang hold it tight, securing her that no matter what she's been through willing syang samahan at damayan ito.

"Your Dad is a good man despite of everything we heard about him. He's in good place now Rhi,.. For sure, andito sya ngayon, nakatanaw and I know, hindi sya masayang makitang nahihirapan ang kanyang unica hija... He may be separated from us but he never leave...at alam kong hindi ka nya iiwan. Stop crying na..."
Comfort ni Patty kay Rhian

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now