CHAPTER #17

6.4K 289 24
                                    

(n)

Dahil sa nangyari, minabuti munang huminga ni Rhian kaya nagpaalam ito sa mga kaibigan na aalis saglit papuntang bayan.

"Alam nyo, napapansin ko talaga tong si Rhian e, dati hindi naman sya ganyan diba? Ngayon napaka over protective dun sa Glaiza. Imagine sa tagal nating magkakaibigan never syang nag react ng ganun sa mga lokohan natin pero kanina iba e" sabi ni Lovi habang nagla-lunch sila sa bahay

"Anong iba?" -Bianca

"Parang may something na di ko maipaliwanag... Hhmmm, ikaw ang laging kasama ni Rhian Pat, baka nahawa mo na yun sa pang chichicks mo ah..." -Lovi

Patty smirked.

"Ano ako may sakit tapos nanghahawa? Saka ewan ko sa kanya. Tanungin nyo na lang tungkol jan sa hinala nyong something na kung ano man yan." At tuloy lang ito sa pagkain.

"Tingin mo Lix?"

Kumibit balikat lang ang lalaki.

.


.


.

.

Samantala, sa labas kumain ang dalawa. Hanggang ngayon ay na badtrip pa din si Rhian.

"Ang tahimik mo naman..." Puna ni Glaiza sa babae

"Mejo na babadtrip pa din ako dun sa kanina."

"Sus, kalimutan mo na yun... Saka laro lang yun at ayoko din sabihin ng mga kaibigan mo na KJ ko..." Kahit pa labag naman talaga sa loob nya ang nangyari

"Laro oo pero iba na yun e, nakakabastos... Kung bakit pa kasi puro kalukohan ang alam ni Patty..."

"Ok na nga diba? Kaya chill ka na jan... Nagseselos ka ba?" May pang aasar sa boses ni Glaiza

"Hindi ah!!! Ako magseselos? Bakit ako magseselos???"

"E bat lumalaki yang butas ng ilong mo?"

"Ewan ko sayo.. Isa ka pa..."

Glaiza reach for Rhian's hand.

"Ok na yun. Wala na sakin yun kaya wag ka nang masyadong affect. But next time, hindi ko na hahayaan yung mga ganong kaganapan..."

"Sabi mo yan ha..."

"Yeah... Kaya smile ka na..." Saka nito kinurot sa baba si Rhian at napangiti na din ang babae.

Inilibot ni Rhian si Glaiza sa bayan ng Nasugbu... Masayang iginugol ng dalawa ang oras sa pamimili at nag presinta pa si Glaiza na magluto para sa hapunan nila.

Kung titignan, para silang magkasintahan... Holding hands, ngitian, tawanan, kulitan... A picture of two person who was struck with a love at first sight, at last sight, at ever and ever sight.

Walang ibang nag mamater sa kanila kundi ang isat isa lamang...

"Rhi, pechay ka ba?" Tanong ni Glaiza ng namimili sila ng mga gulay

"Hhmmm, banat ba yan?" Pagtataas kilay nito

"Ay hindi, magtatalumpati ako...hahaha...! Oo, sige na."

"Ayosin mo, pag yan waley, yari ka sakin... Osya, BAKIT aber?"

"Kasi pechay na pechay ako sayo..." Saka tumawa si Glaiza na tipong nawawala ang mga mata nya

"Eeeengggggkkk! Waley!!! ...oh, ito na lang... Kabute ka ba?" At hindi din nagpatalo si Rhian.

"Ay parang alam ko yan, pero sige... Bakit Madam?"

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now