CHAPTER #30

5.2K 278 34
                                    

"Dad mauna nako sa Clark... I need to warm up pa and meet my them... See you there later..."

"Sige iha... Dadaan muna kami ng Mama mo sa temple paramaka pag sindi ng incense for your luck... At tutuloy na din kami don... Goodluck for your race ha,.. I know I've said it all the time but I want you to know that I am very proud of you."

Napangiti si Rhian sa ama.

"Thanks Dada..." Saka nya ito niyakap

"Teka, asan si Glaiza? Kumain na muna kayo bago umalis..."

Biglang umiba ang timpla ng mukha ni Rhian ng marinig ang isang pangalan.

"Bat ganyan ang mukha mo anak.? May problema ba?" Taka ng Mama nito

"I fired her..."

"Ha? Bakit naman? Kelan pa? Kaya pala ilang araw na akong nagtataka na hindi ko sya nakikita..."

"I just did,.. I don't need her Dada... I don't need a bodyguard. Kaya ko po ang sarili ko"

"Anak... May gusto sana kaming itanong sayo kung ok lang,.. It's my view lang naman and I told your Dada naman about it..."

"Ano po yun Ma?" Taka nito

"Is there anything between you and Glaiza?"

Napalunok ng sunod sunod si Rhian sa narinig, hindi nya iyon inasahan kaya talagang nabigla sya.

"Ha... Saan nyo po nakuha ang ideyang yan ma? Wala... Malabo po iyon... Sige po. Mauna na po ako. I'll see you there guys" biglang paalam ni Rhian para makaiwas sa kung ano pa ang maging katanungan ng mga ito

Isa isa nyang nilapitan ang mga magulang at binigyan ng halik sa noo

Pero bago pa maka alis si Rhian ay bigla syang hinila ng Dada nya pabalik.

"I always wished na sana hindi ka ganon kadaling lumaki anak... But I cant hold the time and I can't turn it back. I miss laughing out loud with you before going to sleep... I miss cuddling you even if its not raining... I miss my baby girl Jade..."

Kahit nawiweirduhan sa mga sinasabi ng ama, somehow, napangiti si Rhian... She missed the way her Dada called her Jade...

"Uhh, Dada... Why so cheesy? I missed you too... And Mama... But you know, we can't stop the time and I have to grow up and I'm sorry for that, but at the end of the day... Im always be your little girl... I always be a princess not because I am destined to a prince but I am a daughter of a King and a Queen..." Malambing na sagot ni Rhian saka niyakap ang dalawa

"I love you guys,.."

"We love you so much anak..." Halos sabay na sagot ng Dada at Mama nya

"See you later ok? I have to go..." Saka tuluyan nang nagpaalam si Rhian

...

..

.

"Boss, may raid na isasagawa ang mga kapulisan mamaya sa isa nating warehouse... Sa San Juan..."

"Ganon ba? Hayaan mo sila... May naiisip akong plano..."

"Ano yun boss?"

"I'll send Dada there... Haha!"

"Tapos? Ipapahuli nyo?"

"Depende... Pag nahuli sya, edi kulong... Pero pag hindi, edi swerte nya... Salamat,.. Salamay sa impormasyon Diego..."

"Walang anuman boss"

...

..

.

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora