CHAPTER #28

5.1K 264 38
                                    

Kasalukuyang nasa rooftop sina Patty at Rhian ng isang building kung saan naka reside ang club na pupuntahan nila.
Saglit silang tumambay doon habang hinihintay ang iba pa nilang katropa... Sina Bianca, Lovi, Felix at Solenn.

"Can I say a word?" Basag ni Patty sa katahimikan dahil malapit na syang mapanisan nang laway sa kasama.

Nakatulala lang kasi ito at nasa malayo ang tanaw... Ni hindi umiimik.

"Yes?"

"HEAD UP. (Tinampal nito ang noo ni Rhian) BE STRONG. (Tinapik nito ang braso) SMILE. (Then she stretched Rhian's face) MOVE ON."

"It's not that easy Pat... I don't think you understand how it feels... It's one of the most painful things that I go through... I'm not going to lie or deny... I feel like I am shattered into a million pieces... Ang sakit sakit pa din na kahit anong iyak ang gawin ko, hindi nababawasan... Hindi man physical pero ramdam na ramdam ko kung paano nya tinadtad ng sobra at parang basurang basta na lang tinapon sa basurahan ang puso ko... I was left to rot... Ang sakit... How I wish it wasn't like this... Na sana panaginip lang ito lahat... Pero hindi... Reality slap me and the pain is real" nag uumpisa nanamang mamuo ang luha sa mga mata ni Rhian

Nilapitan ito ni Patty at niyakap.

"Naiintindihan kita Rhi... Believe me, I really do... Everyone at some point in their life is going to experience it... I do have a heart break and I know how it feels like... It hurts a lot... Emotionally... Physically... Even how much tears you'll cry, you can't do anything but to accept it... The pain and all... But you know what? Of all the heart breaks that I had, seeing you like this is the most painful" ani ni Patty.

She pull Rhian away from her at pinaharap sa kanya... She cupped her face and wipe those tears that keep streaming down one's face.

"She doesn't deserve this tears Rhi... She's not worth it... Cheer up. Your best revenge is moving on... Get over it... Kung pinagsisihan mong pinagkatiwalaan mo sya, let her regret na sinaktan at niloko ka nya" ani ni Patty.

Kaliwat kanan ang pahid ni Rhian sa mga mata nya. Sa totoo lang, she can't figure out how to live her life again in a normal way... At hindi nya alam kung papaano uumpisahan ang salitang 'cheer up' at 'move on'

"Tara... Nasa loob na daw sina Bianca... Stop crying na, you have to enjoy... Forget what you feel because you deserve more than this misery Rhian"

Patty take Rhian's hand and guided her down to the club...

...

..

.

"Alam mo Cha, hindi makakatulong sayo yang pag mumukmok mo... Hello? There's still life out there.. Ano ka ba?!"

Pero nakapangalumbaba lang si Glaiza sa may bintana at tila walang narinig.

Hinila ni Angelica ang kamay nito na nakatukod sa baba nya kaya muntik na itong mangodngod.

"Balak mo bang basagin ang mukha ko gel?"

"Kung pwede lang... Ng matapos na yang pag eemote mo... Bilis na.. Magbihis ka na at mamaya di na natin maabutan ang happy hours... Sige ka, ikaw magbabayad lahat ng drinks."

"Tssss."

Mapilit ang mga kaibigan nito kaya sumunod na lang si Glaiza sa trip ng mga ito.

Sabagay, matagal tagal na din hindi sya nakapag night out at parang kailangan nya ang kapangyarihan ng alak para malunod ang sakit na nararamdaman nya sa mga oras na ito...

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon