CHAPTER #45

6.6K 286 17
                                    

Inalalayan ni Glaiza pa labas ng silid na iyon si Rhian habang tuloy pa din ang pag iyak nito.

"Tahan na Lab..." ani ni Glaiza pero hindi pa din humuhupa ang iyak ng babae

"He used to be my idol... sobra ko syang tinitingala dahil mula pagkabata, sa aming tatlo, sya ang pinakamagaling... sa lahat ng bagay... he's our protector pag inaaway kami ng mga kalaro namin. Ayaw nyang may magpaiyak samin ni Paul. He will end up giving his toy to Paul pag binilhan sila ni Dada at hindi nagustuhan ni Paul ang laruan na para sa kanya. He will set aside his self kapag may nagustuhan akong pagkain na dapat e para sa kanya. Mabuti syang kuya samin ni Paul Lab, pero bakit ganito? Why we end up like this?" Sambit ni Rhian na hindi pa din natatapos ang pag iyak.

Umupo si Glaiza sa tabi nito saka hinagod hagod ang kanyang likod.

"Alam mo kasi Lab, may mga bagay sa mundo na nangyayari when you least expect it. It's either ikakasaya mo or it can destroy you... and those things are made of the people who are very close to us. Madalas, kung sinong malapit satin, mahal natin, sila pa yung makakagawa ng mga bagay na makakasakit sa atin and the most painful part of it is the fact na hindi natin inaasahan yun mula sa kanila... Jealousy is a malignant illness. Mahirap hanapan ng lunas... minsan mahirap nang sugpuin lalo pag terminal stage na" makahulugang sagot ni Glaiza

Rhian randomly wiped her tears.

"Pero hindi ko alam kung bakit sa likod ng lahat ng ito, i can't wish anything bad to him.. hindi ko magawang magalit ng todo...napapatawad at mapapatawad ko pa din sya"

"Dahil kapatid mo at mahal mo sya,.. you'll always find a reason to forgive..."

Hindi sumagot si Rhian pero tuloy pa din ang pag iyak nito.

"Halika na, uuwi na tayo." Yaya ni Glaiza sa kasintahan at napatango na lang din ito.

Bago pa tuluyang umalis ang dalawa ay saglit na bumalik si Glaiza sa loob ng interrogation room para kausapin ang kanilang opisyal.

"Sir, mauna na po kami. Salamat sa impormasyon, pero pakiusap lang, wag na ho nating idaan sa dahas dahil nangako na din si Johnny na makikipagtulungan satin. Kung ano mang impormasyon at lead ang makalap nyo please let us know." Sabi ni Glaiza sa isang lalaking nakakataas nilang opisyal

"Makakaasa ka. Pero mag iingat pa din kayo every now and then. in case, just give us a call."

"Ok Sir... maraming salamat ho uli" saka kinamayan ni Glaiza ang kausap at ang mga katabi din nito pag katapos ay tuluyan na silang umalis.

...

..

.

Pagdating nina Rhian aat Glaiza sa mansion ng mga Tanchingco, agad na sumalubong sa kanila si Amanda.

"Anong nangyari iha? Glaiza anong nangyari?" Patawid tawid ang paningin nito sa dalawa.

Hindi naman nakasagot si Glaiza dahil mas nararapat na si Rhian ang magsabi nito sa kanyang ina pero dulot nga ng sobrang iyak ay hindi pa ito nakapagsalita nanng maayos.

"Ang mabuti po siguro Tita, papahingahin muna natin si Rhian, kanina pa kasi sya iyak ng iyak." Saka sinundan nito ang babaeng agad na pumanhik sa taas

"Yaya, paki hatidan ng tubig si Rhian sa kwarto nya" utos ni Amanda sa isang kasambahay saka ito sumunod sa taas.

...

Napasampa si Rhian sa kama nito saka ibinaon ang mukha sa kanyang unan at ibinuhos uli ang sakit sa kanyang dibdib.

"Iha, tahan na... andito na si Mama,. Cmon tell me what's wrong... nag aalala na ako"

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon