CHAPTER #26

5.2K 254 29
                                    

(Check video in media)

Nagising ang diwa ni Glaiza pero narealize nya na wala na syang katabi...


Munilat nito ang mga mata at iginala ang paningin sa paligid.

"Nako alas otso na pala..." Aniya ng masipat ang orasan

Walang sign ni Rhian. Inisip nyang baka bumalik na ito sa kanyang kwarto o naligo or whatever...

Bumangon ito at nagbihis pagkatapos ay naghilamos at bumaba.

"Good Morning Manang... Bumaba na ba si Rhian?" Tanong nya sa mga kasambahay na nasa kusina

"Nako hindi pa... Baka tulog pa yun... Kain ka na o magkape" yaya ng isang babae

"Sige salamat po. Ako na po magluluto ng agahan para kay Rhian... Ok lang ba?"

"Ah... E... (Tinginan ang mga babae) sige... Sige... Anong lulutuin mo para maihanda namin"

"Egg omelet at tinapay lang ho Manang... Salamat"

Masiglang pinaghanda ni Glaiza agahan ang kasintahan... Napapangiti at pakanta kanta pa ito...

Pagkatapos nyang ihanda ang lahat pati ang kape ay umakyat na ito...


*door knocks*

"Rhian..." Tawag ni Glaiza

Walang sagot.


Kumatok uli ito at nagtawag pero wala pa din.

Sinubukan nyang ipihit ang knob pero naka lock ang pinto.

"Nasan kaya yun?"

Akmang bababa na sana si Glaiza nang biglang tumunog ang lock nang pintuan sa kwarto ni Rhian pero hindi nya ito binuksan.

"Baby Love..." Tawag ni Glaiza nang dahan dahan itong pumasok dala ang tray na may pagkain

Nakaupo si Rhian sa gilid ng kama nito pero nakatalikod sa pintuan. Ni hindi man lang sya nito nilingon

"I cook something for you Baby Love oh... Kain kana."

Hindi pa rin umaalis o ni gumalaw man lang si Rhian.

Nagtaka si Glaiza sa babae. Ok naman sila kagabi... More than ok pa nga... At wala syang maalalang dahilan ng pagkaka ganito ni Rhian.

Pagkalapag nya ng tray sa bedside table, nilapitan niya ang babae.

Pero hindi pa din sya nililingon nito. Pomosisyon si Glaiza sa bandang harap ni Rhian at napansin nitong namamaga ang mata ng babae na tila kakatapos lang umiyak.

"Hey Lab, what's wrong? Bakit ka umiyak???" Pero tahimik pa din si Rhian at diretcho sa labas ang tingin.

"Baby Love, pinag aalala moko... C'mon... Tell me please. What happen.? May problema ka ba? Tayo?"

"Wala akong problema... Pero ikaw, INSPECTOR GALURA ... Baka meron..." Sarkastikong sagot ni Rhian saka tinignan nang matalim si Glaiza.


Pakiramdam ni Glaiza ay bigla syang nasakal ng pagkahigpit higpit at tila may nalunok syang isang malaking bagay at humarang sa lalamunan nya.


Binalot ng kaba ang dibdib nya.

"Rhian, let me ex...plain... At least, hear me... just once" nauutal na pakiusap ni Glaiza

"Napaka gaga ko para mahalin ka nang ganon kadali... Nagpabulag ako sa walang kwentang pag ibig... At ni hindi muna kita kinilala ng lubos... Tama ako... Falling in love is weakness dahil hindi ko akalaing ang pagmamahal ko sayo ang sisira sa pamilya ko." She smirked

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now