FINALE (Part 3)

8.1K 308 34
                                    

*flashback continues*

After 3 weeks ng wedding namin ni Rhian ay isinagawa na ang procedure para sa kanyang pagbubuntis. After we make sure na hindi magkakaroon ng komplikasyon sa kanya ang magiging kalagayan, we are now starting to expect a new angel in the family.

Nauna nang umuwi nang Pilipinas ang mga pamilya namin samantala kami ay naghoneymoon pa ng Japan, Korea and Spain.

Dalawang bwan din ang byaheng iyon. So far, married life is one of the best stage of my life.


...


Tanchingco Mansion.

Kakarating lang namin mula sa airport at napagpasyahan naming dito tumuloy. Ahead of time ay nandito na din ang pamilya ko dahil nagpahanda si Mama Amanda ng Family lunch.


It's really good to be back.

"Ehhhmmmm!" Pag agaw ko ng kanilang atensyon at hindi naman ako na bigo


Tumayo ako saka hinawakan ang kamay ni Rhian.


"Guys, there's something you need to know... Rhian is 3 weeks pregnant." Sabi sabay tingin sa kanilang lahat at nilingon ang asawa ko

"Nako, talaga?! Thank you Lord! Im very happy para sa inyo mga anak!" Napatayo pa si Mama Amanda saka lumapit samin ni Rhian at yumakap

"Congratulations anak! Ipagpalain nawa kayo ng dyos lalo na ang magiging apo ko!" Segunda naman ni Nanay Cristy

"Anak, pag naging lalaki yan dapat kasing gwapo ng lolo nya" sabat ni Tatay

Lahat sila ay sobrang nagalak ng malaman ang balitang iyon. Maging kami ni Rhian... Halos walang mapagsidlan ang tuwa sa mga puso namin...

Konting panahon na lang at isa na kaming ganap na pamilya. Wala naman kaming pinipili, mapa baby boy o baby girl, pasok sa banga! 😂


...

Days passed by ay natapos na din ang leave na hiningi ko sa trabaho kaya kinailangan ko nang magreport. Samantala si Rhian ay sa bahay na lang muna nagtatrabaho, more on internet access lang sya pagdating sa kanilang kompanya. Pansamantala, si Mama Amanda ang tumayong CEO.

On the first trimester, maraming pagbabago ang nangyayari kay Rhian gaya na lang ng pagiging sensitive, sa mga bagay bagay, sa ugali, pang amoy at kung ano ano pa... Minsan nagiging emotional, bugnutin at mabilis magalit at mapikon. Madalas pa din syang nagkaka morning sickness. Laging masakit ang ulo,  antukin at ang lakas mag crave kaya napapansin ko ang pagdagdag nya ng timbang pero secret lang natin yun ha... Tyak magagalit yun pag sinabi nating tumataba sya. Sssssshhhhhh!

"Lab, kumakain ka nanaman? Diba katatapos lang natin mag dinner?" Puna ko sa kanya habang papalabas ako ng banyo dahil kakatapos ko lang maligo

Hindi ito sumagot. Tuloy lang ang subo nya habang tutok na tutok ang mata sa TV at nanonood ng palabas na Arrows. Crush nya kasi yung bida don, si Oliver Queen.

Uulitin ko pa sana ang tanong ko ng bigla nya akong nilingon at binato ng masamang titig.

"Bakit ba?! E sa nagugutom pako e! Pano kasi hindi ako nakakain ng maayos dahil ang pangit pangit ng luto mo!"


HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now