CHAPTER #48

5.1K 270 15
                                    

"J-Johnny?! Anong nangyari sayo? Saan ka galing?" Gulat na tanong ni Gabriel ng makita ang lalaking dumating.

Puno ng pasa ang mukha nito at may iilang sugat sa katawan.

"Ha... A-ano kasi... Nahuli ako ng mga pulis Gab... Pero nakatakas ako" sagot ng lalaki pero hindi makatingin ng deretcho sa kausap

"Paano nangyari yun? Paano ka nahuli at nakatakas?" Sabay arko ng kilay ni Gabriel

Sunod sunod na paglunok ang nagawa ni Johnny. Pgdating kay Gabriel, hindi ito maka pagsinungaling. Hindi dahil natatakot sya or what kundi hindi nya ito magawang traidurin, pero he's about to do the right thing

Tinalikuran nito ang kausap saka tinungo ang balcony at tumingin sa malayo. Ayaw nyang magtama ang mga mata nila dahil alam nyang hindi nya kayang labanan ang aura nito.

"Nung unalis ako nung isang araw para bisitahin ang pamilya ko, dumaan ako sa isang gasolinahan. Doon ako natiklo. They try to beat me to death para lang mapaamin ako but of course, I didn't. Kanina habang dadalhin nila ako sa NBI para siyasatin pa, nakatyempo ako para tumakas"

"Im sorry sa dinanas mo. But thanks man,.. Isa kang tunay na kaibigan." Gab tap Johnny's shoulder

"Pero sa tingin mo, nasundan ka ba ng mga pulis?"

"Hindi. Sigurado ako."

"Mabuti...Wag kang mag alala. Igaganti natin yang pinagdaanan mong hirap. Pagbabayarin natin sila sa bawat pasang binigay nila sayo." napakuyom ito

"Gab,"

Napalingon naman si Gabriel sa kaibigan

"Paano kung sumuko na lang tayo?"

"Ano?!! Nagpapatawa ka ba John? Nasobrahan ka ba ng bugbog kaya naalog yang utak mo? Anong ka bobohan to?"

Hinarap ni Johnny si Gabriel. He firmly grip into his shoulders at bahagyang inalog.

"Makinig ka muna sakin. Nung nasa kostudiya ako ng kapulisan, oo... Sinaktan nila ako dahil gusto nila akong umamin pero nangako sila, na kapag sumuko tayo, mas gagaan ang kasong kakaharapin natin, couple of years in prison but that's not bad at all. Admit it, what we did was wrong naman e"

Pppaaaaaakkkk!!!

Isang malutong na sampal ang natamo ng lalaki. Sapat na para makaramdam ng pamimingi ang tenga nyang natamaan.

Biglang naghugot ng baril si Gab at itinutok ito kay Johnny.

"Hindi ko alam kng anong nakain mo o anong nangyari sayo, pero kng nakipagsabwatan ka sa mga pulis para matimbog ako, NO! Hindi ko hahayaan yun and you know me Johnny,.. I can blow your head off your neck!" Mula sa mahinahon ay biglang bumalasik ang mga mata ni Gabriel

"Haloghugin nyo ang paligid! Baka isang bitag sa atin ang lalaking to... Check if there's some police outside!" Mando ni Gabriel sa mga tauhan nya at agad namang tumalima ang mga ito.

Humakbang si Johnny papalapit kay Gabriel

"It's not what you think Gab... Walang pulis sa labas"

"Quiet! One more step and I'll fucking shoot you!"

Nagtaas ng kamay si Johnny as per saying na hindi sya lalaban sa kaibigan.

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now