CHAPTER #7

6.7K 329 21
                                    

Glaiza's POV

Pagdating ko sa location na binigay ni Rhian, hindi nako nahirapang hanapin ang pwesto nito dahil nakaabang na sya sa labas.


She's wearing a maong skirt na pinarisan nya nang loose shirt na puti.

Mukha talaga sya manika...

Mabilis akong pumarada sa isang parking space saka dali daling nilapitan sya.

"Hi" bati ko

"Hi" sagot din nya with a sweet smile.


Saglit kaming nagkatitigan. Pakiramdam ko tuloy nangangatog yung mga tuhod ko... Para namang may libo libong paro-paro sa sikmura ko na nagkukumahog at gustong magsilabasan.


Bigla syang gumalaw para bumeso sakin. Para lang akong na freeze sa kina tatayuan ko.


Ang bango nya. Langhap na langhap ko ang pabangong gamit nya.


"Tara?" Yaya nya sabay hila sa braso ko.



Wala akong pagtututol kaya hinayaan ko lang syang hilahin ako hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng restaurant.


...


We ordered foods, at habang naghihintay, paminsan minsan naming napapag usapan ang mga basic infos ng isat isa.

"Anong full name mo Glaiza?" Tanong nito



"Glaiza Galura... You can call me Cha or Glai... Masyadong pormal yung Glaiza." Nakangiti kong sagot

"E sayo?" Balik tanong ko din...


"Rhian Denise Howell.."


"Nice name... Foreigner ka pala..."


"No.. No... Just my Dad... Ako pure Pinoy." Natatawa nitong sagot.


"So how's your family doing?"


Biglang nagbago ang timpla ng muka nito sa naging tanong ko. But she try to smile.

"They're fine.. I think.. Nasa heaven na sila e." May lungkot sa boses nito


"Ay, sorry... Sorry talaga..."


"No, its ok...no worries" saka sya ngumiti


"Pero masaya naman at may pamilyang kumopkop sakin. Itinuring ako na parang sarili nilang anak. So what more can I ask for? Enough na sakin un. Pero di ko lang din maiwasan na di malungkot pag nababanggit ang pamilya ko."



"Again, Im so sorry."



Wala yun. Ano ka ba... Smile na"

At talagang ako pa ang sinabihan nyang smile na...natawa ako bigla.

"You look so good when you smile."

Huh? Ano daw???


"Sorry? Anong sinabi mo?" Tanong ko


"Ha? Ahmmm ano... Wala... Wala akong sinasabi" bigla syang nataranta kaya bahagya akong napaisip kung tama ba ang pagkakadinig ko




...


"Sya nga pala... Naalala ko, graduation mo na next day diba? Naalala ko yung sabi mo kasi. Congratulations in advance ha... And to Patty." Biglang pag iiba ko ng topic kasi ito nanaman kami sa awkward moment namin.


HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now