CHAPTER #31

5.5K 233 40
                                    

Win or Lose, Oscar always throw a party for Rhian after her race...

Dinaluhan ito ng kanyang mga kaibigan at mga nakikipusta...

Nandon din ang mga kaibigan ni Rhian and they call it a victory party.

"Good evening Kumpare" bati ni Mr. Manalaysay

"Good evening po Tito Oscar" sigunda naman ni Patty

"Si Rhian po?"

"Nandon sa kwarto nya... Nagpapahinga. Masama ata ang pakiramdam... Akyatin mo na lang iha"

"Ay wag na po Tito... Let her rest na lang po"

"Kayo ba e may tampuhan ni Rhian anak? Himala ata na hindi ka nag alala sa kaibigan mo na masama ang pakiramdam... Alam mo kumpare, hindi pa nga sana sasama yan dito sakin... Pinilit ko lang, kako e ipagdrive nya ako"

"Totoo ba iha? May tampuhan ba kayo ng anak ko?"

"Wala po tito..."

"Pero may alam ka ba sa nangyayari sa kanya? Napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw e panay ang mukmok nya at laging umiiyak... Pag tinanong mo naman, hindi nasagot o di kaya ang sabi e ok lang daw"

"Wala po tito... Wala nman syang nababanggit... Sige po, dun na po muna ako sa gazebo" pag iiwas ni Patty

"Hay nako kumpare, mga kabataan talaga ngayon e ang hirap espelingin... Lalo pa pag babae, iba ang timpla sa umaga, iba din sa gabi... E dinaig pa ang mga nanay nilang nag mimenopause."

Saka natawa naman si Oscar sa sinabi ng kausap.

"Sya nga pala kumpare, mamayang hating gabindadating ang mga shipping natin... At si Mr. Tang mismo ang pupunta para pick-upin ang mga ito. Don sa warehouse namin sa San Juan... Baka gusto mong pumunta at maipakilala kita sa kanya." Ani ni Oscar kay Mr. Manalaysay

"Sige titignan ko Mamaya kumpare. Pano kasi si Misis e may ihahatid ko pa mamaya sa airport. Tignan ko pag naka alis kami ng maaga."

"Sige, pasabi ka lang. Osya, enjoy the party..."

...

..

.

"Ok ka lang?" Tanong ni Chynna sa kaibigan nang maabutan nitong busy ito kakabutingting ng kanyang armas

"Ikaw pala Chyns... Oo ok lang.. Lagi naman akong OK e"

"Sabi ko nga... So goodluck. Sana magtagumpay kayo"

"Sana nga, nang matapos na din to lahat and please type my resignation letter. I need it by the end of month"

"Ano?! Naririnig mo ba yang pinagsasasabi ko... Anong resign? Bat ka mag reresign? After all this time Cha?"

"I just want a peaceful life..."

"Wow!!! I mean, just wow! 4yrs in PMA, a class Valedictorian in her batch... An outstanding Scout Ranger, trained SAF Conmando,.. One of the youngest chief of police... Tapos after 5 yrs of service basta basta na lang magreresign dahil sa... (Hindi na nito tinuloy ang salitang pag ibig dahil inirapan sya ni Glaiza) you got it all Cha, yung mga achievement mo sasayangin mo lang?"

"It doesn't matter..."

"Think about it... Ok? Wag padalos dalos... Ika nga e, dont make a decision if your emotional... Osya, mauna nako. Goodluck sa raid nyo mamaya"

Tumango lang si Glaiza at tuloy pa din ang pag loload ng mga bala sa magazine ng baril nya.

...

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon