CHAPTER #6

6.9K 292 25
                                    

Glaiza's POV

5 araw.

Limang araw mula ng huli kaming nagkita ni Rhian...

Limang araw ding nanatili sa isip ko ang tanong kung bakit hindi nya ako tinitext.

Hindi naman talaga to big deal pero bat parang umaasa ako?

Umaasa saan? Tanong ng isip ko.

Oo nga naman, ano bang inaasahan ko? Text nya? For what? Baka nakalimutan na ako nun.

Saka bat ko ba to iniisip? Hayyyy.

"Alam mo, kung ako sayo... Itext mo, o di kaya tawagan mo... Ng hindi lumuwag yung turnilyo ng leeg mo... Wagas maka 90° ang angle ng lingon mo jan sa cellphone mo e"

Nagulat ako ng may nagsalita sa tabi ko. Si Chynna pla. May inilapag itong files sa harap ko saka sya umupo sa upuan across my table.

"Matagal tagal na din na di tayo nkakapag usap. Nagkikita lang tayo pag may event ang PNP dahil sa sobrang ka busyhan mo pero kilala kita Cha... Ano, meron na ba after 5yrs? Gwapo ba? Macho?" Sabi uli nito.

Napatawa ako. Ang lakas ng imagination nya. In fairness.

"Anong meron na? Its not what you think..."

"E bat para kang di mpalagay jan? Anlalim pa ng iniisip mo... Di mo nga namalayang pumasok ako e"

"Wala... May iniisip lang kasi ako. Saka may inaantay akong tawag... (Napahinto ako saglit at mabilis na nag isip ng alibi.) ...mula sa... Sa isang source ko..."

"Ok... Sabi mo e.." Paismid na sabi ni Chynna

"Anyway, these are some files na hinahawakan natin ngayon. Yun investigation sa Cruz Massacre hinihintay pa ang autopsy mula sa medico legal..." Pagpapaliwanag nito pero di ko pa din maiwasang hindi sulyapan ang phone ko.

.

.

.

.

"So hindi mo talaga ako kakausapin?" Tanong ni Patty habang nakaupo kami sa indoor garden sa loob ng bahay

Hindi ako umimik. Naririndi kasi ako makinig sa paulit ulit na pagrarant nito kay Glaiza. Kesyo mabigat daw ang loob nya, mainit ang dugo nya dito... Di nya feel... Feeling smart at kung ano pang negative feedback ang pinagsasabi nya.

"I think I gotta go... Just give me a call na lang when ever you need me." Saka tumayo ito at bumeso sakin.

Akma na sana itong aalis.

"I just dont want na agad agad mong hinuhusgahan yung tao Pat. It's not right. Di natin sya ganon ka kilala kaya wala tayong karapatan na pagsalitaan sya ng kung ano ano."

Napayuko si Patty.

"Ok, I'm so sorry for what I have said. Pero di ko babaguhin ang mga sinabi ko. I know di natin sya ganon ka kilala but I trust my instinct" pagmamatigas nito

"I'll go ahead." Paalam nito.

Hindi ko na sya pinigilan. Di rin yun makikinig. Kilala ko na ugali nun... Pag di ko sya pinapansin, iiwan nya muna ako hanggang sa mawala ang tampo o galit o inis ko sa kanya.
At pag ok nako... Ako din mismo na ang tumatawag o pumupunta sa bahay nila.

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now