CHAPTER #42

6.4K 267 12
                                    


*forward*

Mula nang umuwi sa bahay nila si Amanda, hindi nito nakikita si Gabriel. Gusto nya itong kausapin at komprontahin pero maging si Pearl ay wala din ideya sa aktibidad ng asawa.

"Hindi ko akalaing ganito ang mangyayari sa pamilya ko Pearl... Mabait na bata si Gabriel, pero hindi ko alam na iba ang hubog nya paglaki... Paano nya nagagawa ito? Kapatid nya si Rhian, mali ang ginagawa nya." Humihikbing sabi ni Amanda sa asawa ng kanyang anak.

"Kahit ako din Ma... Nagulat sa sinabi nyo. Hindi ako makapaniwala namagagawa nya iyon. Kilala ko si Gabriel bilang mabait at mapagmahal na tao... Pero kapansin pansin din ang pagbabago nya nitong mga nakaraan. Parang iba na sya sa taong minahal at pinakasalan ko." -Pearl

"Nakikiusap ako, mag tulungan tayo Pearl, habang maaga pa. Let's try our best to stop the beast inside him. I want my boy back..." Patulo na hagulgol ng ginang.

Pearl comforts Amanda and try to relax her self but too much things are coming inside her head. Akala nya busy lang ang asawa kaya lagi itong mainitin ang ulo. Akala nya problemado lang sa tabaho pero sa narinig, halos hindi sya makapaniwala na magagawa iyon ng asawa.

"Wag kang mag alala Ma, I will not tolerate what Gabriel did. Kakausapin ko sya. Tutulong ako na baguhin ang gawain nya..." Sagot ni Pearl habang hinahagod sa likod ang Mama nya

...



..



.

"Paano na ngayon yan Sir Gab? Ikaw ang tinuturo na salarin sa pagbomba sa Clark at ayon yun sa testimoniya ni Galura. At intensyon mong patayin ang kapatid mo. Pinalagay ka na sa wanted list pero sa ngayon ay hindi pa naisasapubliko. Pero pag na kompleto na ang pag file ni Galura ng reklamo, agad agad ay ipapaskil na ang mukha mo sa pahayagan." Sumbong ng isang pulis na tao ni Gabriel

Napakuyom ang mga kamao ni Gabriel.

"Tawagin nyo ang dalawang ungas sa baba. Si Homer at Kaloy... Sila ang may kagagawan nito. Sinabi ko na wag na wag silang magkakamali!" Pasigaw na utos nito

Agad namang sumunod ang iba pa nyang tao at tinawag ang mga taong tinutukoy nito...


"Pinapatawag kayo ni Boss sa taas!" Narinig nya mula sa baba

Hanggang sa sunod sunod na na mga yabag ang paakyat sa hagdan.

"Boss pinapatawag~"

Dalawang sunod sunod na putok ang umalingawngaw sa loob ng bahay na iyon. Dalawang lalaki ang humandusay at tila nagulat ang lahat nang nakasaksi.

"Iligpit nya yan.. Walang pumang dito sa mundo ang mga taong walang silbi...!" Madiin na ani ni Gabriel saka ito tumayo at lumapit sa isang mesang may mga alak.

Humilig ito ng alak sa isang baso at agad na tinungga habang nanginginig ang mga kamay...

Napatiim bagang ito. Tumingin sa malayo... Napapikit at bumuntong hininga.

"Puro kapalpakan na lang ang ginagawa nyo... Sa mali nyo, ako ang nadidiin... Kagaya nito, kung inayos lang nang dalawang yan ang kanilang trabaho, di sana buhay pa sila ngayon...kaya kayo, maging leksyon to sa inyo! Ayusin nyo ang pinapagawa ko... Ayoko ng bobo!" Then anger cover up this man.


Lumapit ang isang lalaki para pakalmahin si Gabriel

"Malulusutan natin to... Chill ka lang muna... Pero sa ngayon e anong plano mo? Paano kung kausapin mo na lang yung kapatid mo. Ask her to give a fair share despite of that your dad's will stated"

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora