CHAPTER #19

6.5K 301 19
                                    

(n)

"Look Biancs, Im very sorry for what happen... Ok... I'll admit, may gusto ako kay Glaiza and I love her na..."

"What?! This is ridiculous! Don't tell me na tomboy ka na... And this is supposed to be a happy trip... Magbabonding tayo, hindi mag aaway!" Napataas ang boses ni Bianca na ikinagulat naman ng ilan sa loob.

"Im not a lesbian, ok? It just happen that I love that girl... At kaya nga ako nag sosorry diba?"

"Ganon pa rin yun Rhian... Anong gusto mong itawag sa babaeng nagkakagusto sa kapwa babae aber?!"

"Ok... Ok... Call it that way... I don't know basta yun yung nararamdaman ko e and pls treat her right kasi kami na..."

Bumusangot at padabog na pumasok si Bianca. Habang si Glaiza naman ay tila nahihiya at nagiguilty sa pag aaway ng magkakaibigan dahil sa kanya.

"Let's go back to Manila na guys!" Matigas na sabi ni Bianca sa mga kasama...

Agad namang sumunod si Lovi papasok ng kwarto.

Tumayo si Glaiza at nilapitan si Rhian sa labas. Hinagod hagod nito ang likod na babae na ngayon ay minamasahe ang sintido.

"Im sorry Rhi" pabulong ni Glaiza...

"For what?"

"Fot causing you this. Di na kayo nagkakaintindihan ng mga kaibigan mo dahil sakin."

"No. Wala kang kasalanan. Di lang kasi nila tanggap. But hayaan na muna natin sila kung gusto nilang umalis... It's their choice."

Gustuhin man ni Glaiza na magsalita, pinili na lang nitong manahimik dahil alam nyang hindi naman uubra kay Rhian ang sasabihin nya.

Ang gusto pa din nito ang masusunod.

...

Nauna nang umalis si Patty.

Walang imikan din ang mga ito nang umalis sina Bianca, Lovi at Felix.

Mabigat man sa loob ni Rhian ang nangyari, mas mabuti nang ganon kesa magkakasama sila at taliwas ang pag unawa sa isat isa.

Samantala, hindi pa din mapanatag ang loob ni Glaiza dahil bigla itong na guilty.

"Uuwi na din tayo bukas... I need to practice din kc para sa race nmin next week" sabi ni Rhian habang nakahiga silang dalawa sa kwarto at nasa kisame ang mga tingin

"Ok then... Pwede ba akong umuwi din muna samin? Or maybe you want to come,.. Ng makilala mo naman ang pamilya ko."


"That's a good idea... But after my practice, ok lang?"

"Oo naman..."

Saglit na namagitan ang katahimikan sa dalawa. Tila may umukupa sa kanikanilang mga isipan...

"I never know what really love is... Not until I found you... And I never thought na kapag sobrang nagmamatter pla yung isang tao sayo, nawawalan kana ng pakialam sa iba..." Basag ni Rhian sa katahimikan nila.

Nilingon ni Glaiza ang katabi...

"Pero nagiguilty ako. Ayokong magkaroon ka ng gap sa mga kaibigan mo ng dahil sakin"

"I dont mind, as long as I have you..." Saka tinitigan din ni Rhian si Glaiza ng eye to eye.

"Dati, sabi ko... Ayokong mag mahal o mainlove dahil para lang yun sa mga taong weak. Kaya never akong nag boyfriend. Ang alam ko lang mahalin e ang pamilya ko at mga malalapit kong kaibigan. Ayokong maging mahina dahil lang nagmahal ako... Dahil may mga taong nagti-take advantage sayo when they know your weaknesses. And love is one of those things na dahilan why people became weak." Sabi ni Rhian ng ibinalik nito ang tingin sa kisame.

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now