PROLOGUE

96.4K 1.4K 295
                                    

"Cut! Cut! Cut!" tumayo si Daniel mula sa kanyang Director's chair sa loob ng isang improvised na camera room kung saan kita niya lahat ng angulo na kinukunan, tinanggal niya ang suot sa may tainga at kunot ang noo na lumapit saan ginaganap ang eksena.

"Tangina naman! Pang ilang take na natin to?! Bakit hindi niyo makuha ang blocking na gusto ko? Ang hirap bang mag follow ng instructions?!" he shouts at the two actors in front of him, one of them is the renowned Kathryn Bernardo. His ex.

She was staring at him with her eyes glistened with tears that were about to fall. Kath was trying her best to hold her emotions until his rants were over. Hindi niya malaman kung anong gusto nitong mangyari sa eksena. Ginawa naman nila ng paulit ulit ang gusto niya, sumunod naman sila sa instruction pero parang laging mali pa din. Laging hindi pa rin sapat.

"D-dj, yun naman ang gusto mo kanina eh. Sumunod naman kame sa sinabi mo--" her voice was small and her head bowed down she didn't want to see the fury in his eyes.

Naramdaman niyang bahagyang lumapit sa kanya si Daniel. Agad siyang napaatras at napasandal doon sa isang bahagi ng kwarto ni ginaganapan nila ng isang eksena. He placed his both hands on each side of her. Kinulong niya si Kathryn sa pagitan ng mga braso at titig niya.

"This is my territory Kath. My scenes, my actors, my mother fuckin job. Dito, ako nagdedesisiyon, ako nagbibigay ng instructions at ang gusto ko ang nasusunod." he said slowly but the words burned on his tongue as he spoke and it touched her skin like a scorching flame. "I'm no longer Daniel Padilla, your lame love team from long time ago." emphasizing disgust when he mentioned lame. Kath was taken aback by his hurtful words but he doesn't show remorse at all. Mas tinitigan pa niya ito to intimidate her more.

"Here---now, I'm Daniel John Ford your director. Kuha mo?" dagdag pa ni Daniel habang tinitignan si Kath direcho sa mata. She knows those eyes but she doesn't seem to recognize the soul inside. It doesn't recognize her either. She's a stranger before his eyes. He is someone far from that Daniel he loved from long time ago.

Nagkatitigan lang sila at wala ni isa sa kanila ang bumitaw sa pagtitig hanggang sa mag salita na ang isang crew. "Direk, okay na po uli, pwede na po natin ulitin ang eksena." Saka lang lumayo si Daniel kay Kathryn.

"Paki brief uli mga artista natin Joyce. Gusto ko sa susunod na take wala na tayong mali. Huwag niyo sinasayang ang oras ko." pagkasabi niya sa huling pangungusap ay matalim na tingin ang binigay niya kay Kathryn na hindi na napigilan ang tumatakas na luha.

Dati, makita niya lang lumuha ng kahit isang patak si Kathryn nadudurog na ang puso niya. Ayaw na ayaw niya itong nakikitang nasasaktan o kaya umiiyak. Ginawa niya ang lahat para lang di ito lumuha at ang makita nito ngayon ang dating kasintahan na lumuluha dahil malamang sa kanya ay nagpapakirot sa loob niya. Pero hindi na siya ang dating Daniel na dapat ay inaalala pa si Kath.

Umiwas agad siya ng tingin ng makita pinapahid ng tahimik ni Kath ang luha niya. Huminga siya ng malalim at tumingin sa ibang direksyon.

"Joyce." tawag niya sa assistant niya.

"5 minutes. Yosi break muna ako." sabi nito sa babae. Gone are his vaper days. He's already smoking the real deal.

Tumango lang ang assistant at nag announce "O stand by na tayo 5 minutes mag simula na tayo."

Napatingin si Kathryn ng sabihin niya yon. Nakatalikod na si Daniel at naglalakad palabas ng set. May kinukuha sa bulsa.

Isang pack ng yosi at lighter. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa pumwesto ito sa likod ng tent at sumindi ng isang stick.

Kahit KailanWhere stories live. Discover now