Chapter 050 Break

30.7K 960 179
                                    

Marlboro Lights, 3 sticks and a half

Daniel and Karla stayed inside the car for sometime before going back inside. Half of the time, Daniel was crying. Karla just let him be. It's not all the time that she sees him in that state. Though it wrenched her heart as a mother to him, she knew Daniel needed to let it out.

Vulnerable, helpless with his guards down. Daniel poured his frustrations out. Huli niyang nakitang umiyak si Daniel ng ganoon ay noong umalis si Kathryn ilang taon na ang nakakalipas.

Karla knows for a fact what Kathryn is in Daniel's life. Hindi siya basta babae lamang sa buhay ng anak niya. She is his reason, his will and his direction.

Noon pa man madalas ng banggitin ni Daniel kung paano nabibigyan ni Kathryn ng direksyon ang buhay niya. He even said in one of the interviews that he wouldn't be the same Daniel today if he haven't met Kathryn.

Daniel have always admitted that he isn't the best person before and having Kathryn in his life made him want to be better.

Kathryn succeeded in taming the rogue and wild side by loving him. That's what Kathryn did to him.

"Bumalik na ho tayo sa loob Ma. Para matapos na at makauwi na rin kayo, late na eh." napalingon si Karla sa anak ng magsalita ito ng mahina pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan.

Tinignan siya ng ina "Okay ka na ba?"

Tumango si Daniel sabay hilamos sa kanyang mukha. "Okay na po."

"Kung gusto mo ako na lang babalik sa loob. Pumunta ka na ng ospital, pagamot mo yang kamay mo."

Tinignan naman ni Daniel ang kamay niyang ngayon ay nagsisimula na niyang maramdaman ang kirot at hapdi.

"Hindi Ma, okay lang ako. Kaya pa to. Samahan na kita sa loob. Sabay na tayong umalis." sabi ni Daniel sa ina.

Karla just stared at him. She was in doubt if she should allow Daniel inside the presinct. Baka bigla na naman itong magwala tulad ng kanina.

"Ma. Hindi ko na ho gagawin yung kanina." he said answering to his mother's unspoken doubts.

"Nagaalala lang ako Daniel. Tulad kanina, nakuhanan kaya ng mga reporters ang naganap. Paano kung baligtarin ka ng mga yan at ikaw pa ang masampahan ng kaso?" pagaalala ng ina.

"Eh di magsampa sila. Hindi ko naman pinagsisihan ang ginawa ko kanina." bumuntong hinga siya ng malalim "Sisiguraduhin kong pagbabayarin ko sila Ma." tumataas na naman ang boses nito.

"Ayan ka na naman eh. Kakasabi lang eh. Jusko naman Dj. Ako yung aatakihin sayo eh."

Umiwas ng tingin si Daniel kay Karla.

"Ano? Bubugbugin mo ba si Emil hanggang sa mamatay sa loob? Dahil kung yan ang gusto mo ako na lang ang gagawa para hindi ka mapahamak." seryosong sabi ni Karla kay Daniel.

"Daganan ko lang yun, pisa na yun eh. Magamit man lang natin tong mga pinaghirapan kong taba." biro ng ina pero seryoso pa rin ang tono ng pananalita niya.

Natigilan si Daniel at saka lamang nilingon si Karla na halos matatawa na.

"Ma naman eh!" hindi niya napigilan at natawa siya sa hirit ng ina.

Sinabayan naman siya ng tawa ni Karla. She was relieved to see her son at least have the will to laugh.

Lugmok na lugmok na kasi ang itsura nito kaya't gumaan ang pakiramdam niya makita itong tumatawa kahit pa sandali lamang.

"O ayan, buti tumawa ka. Gusto ko lang pagaanin ang loob mo anak. Andito lang naman ako eh, kame ng mga kapatid mo. Lagi kameng nasa tabi mo kaya huminga ka, kaya natin to." she said patting his back.

Kahit KailanWhere stories live. Discover now