Chapter 23 Continue

58.3K 1.3K 606
                                    

Cafe Supremo, Morato Branch

"Kailangan mo ba talagang umalis Lucas? Paano na ako? Paano na tayo?" hilam ang mukha ni Celine na hinahablot kay Lucas ang mga gamit niya. "Huwag mo akong iwan, huwag ka naman mag desisyon na para sa sarili mo lang." pakiusap niya sa kasintahan.

"Celine, alam mong hindi totoo yan. Yung desisyon kong umalis di dahil gusto kitang iwan." binitawan ang mga maletang dala saka dinala malapit sa mukha niya ang mukha ng dalaga. "Pakasalan mo na ako, sumama ka na sa akin. Marry me Celine." punong puno siya ng pag asa.

Naka awang ang bibig ni Celine hindi malaman ang isasagot. Mahal niya si Lucas ngunit sa tingin niya ay hindi iyon ang solusyon sa problema nila. May mas mga mahahalagang bagay pa na kailangan niyang unahin kaysa sa sarili niya.

Celine is the epitome of sacrifice. Wala siyang hindi gagawin para sa pamilya kahit sarili pa niyang kaligayahan ang hahadlang. At iyon si Lucas ng mga panahong iyon. Isang hadlang.

Napako si Celine sa may kintatayuan niya at umiiyak na lang habang pinagmamasdan mga mata ni Lucas na nakikiusap. "I-I'm sorry Lucas. I'm sorry I can't marry you."

Nawala ang ningning ng pag asa sa mata ng binata at napalitan ng dilim at galit. Marahas niyang tinanggal ang kamay ni Celine na nakapulupot sa kanyang baywang at tinulak pa ito ng bahagya "I knew it! You will never choose me Celine. Lahat importante sayo bukod sa akin!" sigaw ng lalake.

"Hindi totoo yan. Mahal kita." lumapit si Celine.

Agad naman hinawi ni Lucas ang kanyang kamay dahilan para matumba si Celine sa kama.

Gulat man siya ay tinuloy pa rin ang pagiyak at pagbitaw ng linya.

"Teka." kumunot ang noo ng direktor.

Pumaibabaw si Lucas kay Celine at pinako ang dalawang braso nito sa gilid niya. "Binabalewala mo ako! Akala ko ba mahal--"

"CUT!!" Daniel stopped the on going scene. Nauna siyang naguluhan kung bakit napunta sa kama si Celine, ang character na pineplay ni Kathryn at mas naguluhan at nagulat siya ng pumaibabaw sa kanya si Lucas na ginagampanan ni Emil.

"What are you doing?" Daniel did his best to keep his calm as he asked the actor of his show. He was eyeing at him thoroughly, raking his piercing eyes from head to foot and occasionally glancing at Kathryn to check if she is okay. Kath is now seated at the foot part of the bed while Madonna, the make up artist is fixing her look and her hair as well. She looked definitely shocked with the scene that wasn't found in the script.

"Ahh Direk. Nadala na po kasi sa eksena. Okay lang naman po di ba? Maganda pa rin naman ang labas. Mas intense nga eh." Emil crossed his arms in front of him making the so-called actor look as arrogant as he is.

"Emil." Daniel pressing his nose bridge as he calls his name ,tumingin naman ito sa kanya ng walang pakundangan. Mayabang kung mayabang.

"Eh di sana wala na lang ako dito, di mo pala kailangan ng direksyon. Kaya nga ako nandito because that's my job. Ang trabaho mo i akto kung ano yung pinapagawa ko sa eksena hindi yung nagpapasok ka ng mga sarili mo." mahinahon naman ang pagkasabi ni Daniel pero ramdam ng mga tao roon ang tension sa dalawa.

Hindi sumagot si Emil sa kanya. Tumayo lang ito at nag ayos uli ng suot niya.
"Okay Direk." he said mockingly.

Huminga ng malalim si Daniel sa pagpipigil na may magawa siyang hindi maganda sa artista niya. His hands are tensed, tight into a balled fist.

"Okay! Ulitin natin yung bandang inaaya mo siyang magpakasal. This time, hahawiin mo ang braso niya at matutulak ng kaunti papunta sa sahig. Sa sahig ha. Malinaw naman yung sa sahig?" paulit ulit ni Daniel.

Kahit KailanWhere stories live. Discover now