Chapter 29 Flaws

45K 1K 92
                                    

Surprise Dinner, Detour.

"Sige dude, next time na lang tayo mag inuman at mag celebrate ng birthday mo." paalam ni Pat kay Daniel.

Nasa parking sila ngayon at pasakay na si Pat sa kotse niya.

"Sige, antayin ko pa si Kath eh. Nagbibihis pa yata sa loob." he told his friend.

"Yieee...di ako sanay, parang nagbabalik tayo ng ilang taon ha? Talagang tuloy tuloy na yan dude ha? Kelan mo yayain ng kasal?" tanong sa kanya ng kaibigan niya.

Natigilan si Daniel. Hindi naman dahil sa hindi siya sigurado kay Kathryn. Siguro inuunti unti niya lang talaga ang lahat. Para hindi mukhang napilitan. He wants them to unfold like a story that is naturally flowing from a story tellers mouth, beautiful and full of heart. He wants to savor every details, and every part of their second chance.

"Chill ka lang, darating din yan." tanging sagot niya.

"Hmmm..okay." kibit balikat ng kaibigan "Matanda ka na alam mo na ginagawa mo, ilang taon ka na nga ngayon trenta ka na?" pang aasar nito.

"Gago. Nasa kalendaryo pa edad ko."

Tumawa si Pat sa kanya, sumakay na siya ng kotse at iniwan si Daniel na mag isa nag aantay kay Kathryn.

Few minutes have passed, Daniel heard footsteps walking towards him. He thought it was Kathryn. "Momm--" he stopped when he saw it was not her.

"Hi Direk." bati ni Trisha, isa sa mga bagong artista sa cast niya. "I was about to leave when I saw you. Gusto ko lang sana mag greet sayo ng Happy Birthday..." nasa malapit na ito "...and I just want to say ahm salamat...salamat." Daniel did not expected for that hug but she was tearing up.

"O bakit? Ba't ka umiiyak?" tanong ng nag aalalang direktor.

"Kasi po binigyan niyo pa ako ng isa pang chance kahit di ko kabisado ang mga linya. Sorry talaga direk, hindi ko po kasi napaghandaan ang taping kanina. Aminado ako na kasalanan ko po kasi di ko ginagawa ang trabaho ko."

"Wala yun. Basta ano, next time just know your priorities kasi madaming tao ang maapektuhan pag may isang nagkakamali sa set eh. Let us all be considerate of others." sabi ni Daniel to comfort her. Napagalitan kasi niya ito kanina sa set dahil nakakailang take na at wala siyang masabing tama sa mga linya niya.

"Thank you po uli at happy birthday po, inaantay niyo si Ate Kath?" sabay pahid ng kanyang iniluha.

Sasagot na sana si Daniel ng marinig niya ang tinig nito "Daddy."

"O ayan na pala siya." turo niya kay Kathryn na kakarating lang sa parking lot.

Dumiretso si Kathryn sa kanya at niyakap siya, she locked her arms around his waist and buried her face on his chest.

Nagkatinginan naman si Daniel at Trisha at parang nakuha nila kung bakit naglalambing si Kath sa harapan niya.

"Ahm, sige po Direk Happy birthday po ulit. Ate Kath, bye po."

Kathryn acted like a brat and did not turn to look at her or even to answer.

Sinenyasan na lang ni Daniel si Trisha "Okay lang."

Nang makaalis na si Trisha, hinanap ni Daniel ang mata ni Kathryn.

"Hmmm...Mommy, bakit?" he asked smiling. He knew Kathryn is acting jealous.

"Wala...bakit masama bang yakapin ko ang Daddy Love ko? Ayaw mo ba?" aktong tatanggalin niya ang mga braso niya sa bewang ni Daniel pero mabilis siyang pinigilan nito.

"Hinde...hinde...gusto ko siyempre." he kissed her forehead. "Pero ano yun kanina? Bakit di mo man lang pinansin si Trish?"

"Trish?!"

Kahit KailanWhere stories live. Discover now