Chapter 045 Intuition

32.8K 953 193
                                    

One way road, 2:45 PM.

Mag alas dos ng hapon sa mansion ng mga Ford.

"Ma'am Karla...nandiyan na po si Sir Romeo." sabi ni Manang Lita na kasambahay ng mga Fords. Dumungaw lang ito sa pintuan ng kwarto ng ina ni Daniel na kasalukuyang nagpapahinga at nanonood lang ng telebisyon nung hapong iyon.

"Ahh okay sige, pakihanda naman siya ng meryenda Manang. Paki sabi bababa na ho agad ako. Sa dining na lang kame maguusap." ani Karla.

"Okay po Ma'am." magalang na sagot nito sa kanya.

Imporatante ang bisitang iyon kaya nagmadali siya. Bumaba na si Karla saka hinarap ang inaasahang panauhin.

Nakaupo na sa may mahabang dining area ang bisita ni Karla. Tumayo ito ng makita siyang pababa na ng hagdan. Ito pa ang unang lumapit at napakilala kay Karla.

"Magandang hapon po Ma'am Karla. Inspector Romeo Delgado po. Ako yung may hawak ng imbestigasyon ng attempted kidnap case sa anak ni Mr. Ford." pakilala ng lalake na nasa may edad na kwarenta. Hindi ito naka uniporme pero halata sa tindig at pananalita nito kung ano ng propesyon ng lalake.

Ngumiti lamang si Karla pagtapos nitong magpakilala. Bakas sa kanyang mata ang kaba sa maaring balitang tungkol sa anak.

"Magandang hapon naman sayo Inspector. Upo ho kayo." pag asekaso ni Karla.

Nang makaupo sila parehas ay may nilabas na mga folder, laptop saka mga flash drive ang pulis na kausap ni Karla.

"Ano na po ba ang balita Sir?"

"Magandang balita po Ma'am...may nakuha ho tayong copy ng CCTV sa kalapit na establishment po ng pinangyarihan ng insidente." sabi niya habang may kung ano siyang kinakalikot sa laptop.

Mag dadalawang linggo na ang nakakaraan mula ng mangyari ang muntik na pag kidnap kay JA. It happened during the press conference for Kathryn's comeback teleserye which is being directed by Daniel.

Ang pinakahuling update na nireport ay wala silang nakuhang copy ng CCTV and allegedly there was a conspiracy that happened. May koneksyon ang mga kidnappers sa loob kaya wala silang nakuhang kopya. It devasted them, especially Daniel who can't get some sleep thinkingyof Kathryn and JA's safety.

Daniel was furious about the whole situation but the police officers assured him that it will not be the end of the case. Ipinagpatuloy nila ang imbestigasyon without the media being part of it. They did not want the suspects to think that they are still after them kaya nagrelease ng statement si Daniel nung araw din iyon.

"Nakakalungkot pong isipin na may nakakaisip na gumawa ng ganito at nakalaya pa sila, unfortunately the CCTV footage is gone so mahihirapan po kameng makumpirma kung sino sila. Wala ako maisip na pwedeng gumawa sa amin nito , lalong lalo na sa isang batang inosente. Sa ngayon, what I can do is...provide my family safety and protection. Yun lang muna po." he said on the news.

He was advised by the authority not to mention that they proceeded with the investigation so the culprits will be unaware of their next strategy. And it worked, after a week may progress na ang imbestigasyon at yun ang ipinunta ng inspektor sa bahay ng mga Ford.

"Nako, that's good news po Sir Romeo...sigurado matutuwa nito si Dj." she said truly happy about the news.

"Ma'am eto po yung kuha ng CCTV sa tapat ng Gate 5 po, lugar kung saan dumaan yung kotse." sabay pindot ng inspektor sa laptop. Nag play ang CCTV footage. He adjusted the video, fast forwarding it to the relevant scene.

Kahit KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon