Chapter 039 Excuse

38.1K 1K 110
                                    

Parking Lot, around 12:30pm

Naiwan pa sina Daniel at Kathryn pagkatapos ng press con dahil sa dami pa rin ng tanong ng ibang mga reporter tungkol sa kanilang pagpapakasal. Nagpost pa si Daniel sa Twitter ng larawan nilang dalawa, halatang masayang masaya sila. Wala na nga siguro hihigit pa sa kasiyahan na nararamdaman. Parang wala ng hindi tama sa buhay nila.

"Kath, Dj...may naka set na bang date para sa kasal?"

"Is the wedding about to happen within this year?"

"May mga details na ba ang wedding ninyo?"

Sunod sunod ang mga naging tanong kina Daniel at Kathryn habang paalis sila sa venue ng press conference. Saglit naman silang tumitigil para ngitian at sagutin ang mga tanong ng mga reporters, wala na rin nagawa sina Kathryn at Daniel dahil na corner na sila ng mga ito.

"Ahm, wala pa ho...pero paguusapan namin yan, hayaan niyo babalitaan namin kayo." sagot ni Daniel ng magalang. He was holding Kathryn, securing her behind him. She kept her hands tightly with his so they won't slip away.

Naglalakad na si Daniel at Kathryn palayo sa mga reporter na nakapaligid, kasabay nila ang mga security.

"Mommy, saan si JA? Nasa dressing room na ba?" Daniel asked as soon as they safeky entered the elevator.

"Kasama ni Lory Daddy...naiihi na kasi kanina, pinasamahan ko sa bathroom." she said resting her head on his chest.

"Ahh okay, sasama ba siya sa atin sa location?"

"Is it okay? Di ba masyado na tayong late matatapos?"

"Oo naman. Pabantayin na lang natin kay Lory. He can sleep naman sa van or sa tent mo. Gusto ko kayo makasama buomg araw Mommy, pwede ba?" lambing niya.

"Yes, of course..." Kathryn returned with a sweet smile "Sa set na ba tayo mag lulunch?"

"Yeah, doon na lang. Mag papa order na lang ako ng pagkain para sa atin. What do you want for lunch Mommy?" he murmured, his lips touching her forehead.

"Hmmm..." inikot ni Kathryn ang braso niya sa bewang ng mapapangasawa. "Parang gusto ko ng tapsilog and fried rice na maraming maraming garlic." sabi niya pagtapos mag isip kung anong gustong kainin.

Kumunot ang noo ni Daniel. He moved his head to look at Kathryn. "Mommy..." he gave her a funny look. "Lunch nga di ba? Bakit pang umagahan naman yata yang gusto mo?" he chuckled.

"Eh kasi...I wanted to eat that kanina sa breakfast kaso feeling ko mas kakabahan ako pag kakain ako so I just had coffee. No I'm craving for breakfast food." she pouted her lips like a child asking for a candy treat.

"Ah ganon ba? O sige daan na lang tayo doon sa tapsilogan na malapit sa location, masarap don." he says. Kathryn beamed a smile.

Bumukas ang pintuan ng elevator at nagulat silang makita si Lory na tila nagmamadali at natataranta.

"Oh Lory, saan ka pupunta?" tanong ni Daniel.

Imbes na sumagot, nanatiling nakatitig lang ang PA ni Kathryn sa kanilang dalawa habang papalabas sila ng elevator.

"Are you okay? Parang may hinahabol ka?" Kathryn asked her this time.

"Ahm Ma'am, kasi po ano..." halata sa boses nito na kinakabahan. Naglipat lipat ang kanyang tingin kay Kath at kay Daniel habang naghahanap ng lakas ng loob sabihin sa dalawa ang bumabagabag sa kanya.

Kahit KailanWhere stories live. Discover now