Epilogue

47.7K 1.1K 279
                                    

Fast Talk with Mr. and Mrs. Ford

"Ika dalawa ng Agosto, Biyernes araw kung kailan naganap ang isang masayang okasyon na sinusubaybayan ng marami. Sa isang eksklusibong resort sa Palawan-- Amanpulo ay naganap ang pinakahihintay sa dalawa sa pinakasikat na aktor at aktres ng kanilang henerasyon. Mapalad ang programa ng TWBA at tayo ay pinagbigyan ng isang eksklusibong panayam sa espesyal na araw na kanilang inilaan. Sila ay pinaguusapan at inaabangan ng sambayanan. Isang kilalang aktres ang ikinasal sa isang aktor at nagmamayagpag na direktor." ipinakita sa screen ang larawan na kinuhanan nung gabi ng kasal nila pero naka blurred pa ito.

"Dalawang tao na nagdadala ng maiinit na balita. Ngayong gabi, Lunes Agosto a-singko may isang malaking pasabog, ekslusibo at detalyadong ulat patungkol sa nasabing kaganapan ang masasaksihan ng ating mga manood." habang isinasalang ang voice over ng programang Tonight With Boy Abunda ay siyang pagpasok nila Kathryn at Daniel mula sa backstage.

Agad silang sinalubong ni Boy Abunda at niyakap pareho. Hindi rin magkarinigan ang mg taong nataon ay nasa loob ng studio para sa kanilang interview. Naimbitahan ang mga fans ni Kathryn at Daniel halos mapuno na nila ang lugar.

"Mga detalye at iba pang kwento mula mismo kay Kathryn Bernardo at Direk Daniel John Ford, dito lamang mapapanood. Live na live! Eksklusibo sa Tonight with Boy Abunda!" hudyat sa pagtatapos ng introduksyon ng nasabing programa.

Hindi magkamayaw ang mga manonood. Halos walang marinig sa loob kundi hiyawan at palakpakan. Lalong lalo na ang mga fans na pinakamasaya sa surpresang balita.

Maraming nakinood ng interview sa studio dahil na rin sa umugong na balita sa buong building ng ABS CBN na may magaganap na isang pasabog na interview sa episode ng TWBA noong gabing iyon.

Nakiusap si Daniel at Kathryn sa mga nagpunta at dumalo sa kasal nila sa Amanpulo na huwag munang ipaalam ang nangyaring kasal hanggat hindi pa sila nakakabalik ng Manila. They wanted to make the announcement personally as soon as they get back and they chose the show to make their public announcement.

Pero dahil sa madaling makasagap ang ibang mga taga hanga nila, naging usap usapan na rin ang posibleng pagpapakasal nila nang may makakita sa dalawa na parehas nagtungo sa airport at dalawang araw na hindi nagpakita. Bukod pa roon ay wala rin silang mahagilap sa mga kamag anak ni Kathryn at ni Daniel. Nabuo ang haka haka na tinuloy na ng dalawa ang pagpapakasal lingid sa kaalaman ng marami. At tama sila sa kanilang hula. Nakumpirma ito ngayong gabi .

"Mga kaibigan, mga kapamilya...markahan ninyo ang araw na ito sapagkat ito ay magiging tunay na espesyal para sa ating lahat. Espesyal dahil matagal nating inantay ito at pinagdasal. Espesyal dahil hindi lang sila basta kwento ng pagibig, hindi ordinaryo ang pagibig nila. Maraming pagsubok ang dumating pero lahat nalagpasan nila. Espesyal lalong lalo na para sa mga fans..." turo ni Boy sa audience at muling narinig ang sigawan ng mga ito.

"Espesyal sa mga taong kagaya ko ay mahal na mahal sila. Higit sa lahat itong gabi ay espesyal para mismo sa dalawang pusong nagmamahalan. Mga kapamilya, ang aking mga espesyal na panauhin ngayong gabi ay si Daniel John Ford at Kathryn Bernardo..." the host pauses intentionally before continuing "...Ford!" pumalakpak siya habang bumeso ang dalawa sa kanya.

"Hello Tito Boy." bati ni Daniel na may matamis na ngiti sa kanyang labi.

"Ninong." Kathryn corrects Daniel, her now husband.

"Ay oo nga pala, Ninong." Daniel chuckled as he went back to sit next to Kathryn.

"Okay lang, okay lang. Hindi pa sanay si Dj, Kathryn." nangingiting sabi ni Boy sa kanila. Ninong ito sa kanilang kasal.

Kahit KailanWhere stories live. Discover now