Chapter 37 Little

43.2K 1.1K 201
                                    

Capitol Homes, 5:25am

Kahit Kailan Press Con Part 2

Hindi na nawala ang atensyon ng press kay Joaquin Angelo. He became the star of the show. Humaling na humaling ang mga taong makita ang batang sing hawig ni Daniel at may kaparehas na kariktan ni Kathryn.

"Nak, mag hi ka sa kanila." sabi ni Daniel ng medyo malayo sa mic ngunit nadidinig pa din siya ng bahagya.

JA looked at Daniel then at Kathryn as if waiting for a signal.

"Honey, say hello to everyone. Look o, you're on TV." Kathryn pointed behind them. On the big theater screen was a live coverage of their press conference where they focused on Joaquin at the moment.

Ikinatuwa iyon ng bata ang makita ang kanyang sarili sa malaking screen. His face brightened, eyes widened in excitement.

"I'm on TV Mommy!" he said excitedly pointing to the wide screen.

They all gushed, hearts melted when they heard JA speak.

"Ay ang cute!" sabi ng host.

"Grabe, nakakaiyak ang ganap. Para tayong nanonood ng napakagandang tagpo sa isa g pelikula."

"Yes baby, you're on TV. You look very handsome o." Kathryn said, she kept her smile but tears were already escaping her eyes. Hindi niya mapigilan. She was very happy at that moment. Kathryn wiped her tears right away before JA could notice it.

"Handsome like Daddy, Mommy?"

"Yes...pogi like your Daddy." sagot ni Kathryn habang tinignan niya si Daniel na nakatingin na rin sa kanya.

"Hi...baby Joaquin Angelo, right? Tama ba ang name?" tanong ng isa sa host.

Tumango si Kathryn at Daniel. Walang makapag bura ng ngiti sa kanilang mga labi. Pakiramdam nila ay malaya na silang ipakilala si JA sa lahat bilang bunga ng kanilang pag ibig.

"Nak, mag hello ka sa kanila o..." sabi ulit ni Daniel kay Joaquin Angelo. He took him from Kathryn and placed him on his lap. He was holding the mic on his hand and positioned it before his son.

"Hello!"

"Sabihin mo sa kanila ang name mo...I'm Joaquin Angelo..." Daniel coaches him in the background.

"My name is Joaquin Angelo, I am four years old." JA shows them his four fingers in one hand. "But Mommy calls me JA."

"Ay bongga! Ang cute talaga. Englisero pa. Baka ma nose bleed tayo Mars." biro ng isa mga host na siyang naging tawanan naman ng mga dumalo sa press conference "Teka, baka may dagdag na mga katanungan ang ating kaibigan na taga press." senyas ng host sa mga gustong mag tanong.

One column writer from one of the main newspapers raised his hand, the microphone was given to him.

"Hello...una sa lahat, I would just like to say Congratulations sa inyo Kath and Dj. Hindi lang para sa project na ito kundi dahil na rin sa malaking revelation niyo tungkol sa anak niyo...well, hindi masisisi ang mga tao kung magtataka sila what happened five or six years ago? Bakit ngayon lang lumitaw na may anak kayo. Sinadya ba ang pagtago sa kanya? Tell us the story." mabilis nitong pagtanong sa dalawa.

Kathryn was holding her microphone and raised it. She was about to answer the question from the press but Daniel asked for it instead.

"Ahm Tito, ako na po ang sasagot para sa amin dalawa." sabi ni Daniel.

Tumango ang kulumnista para magpatuloy siya sa kanyang pagsagot.

"Siguro naman ay hindi na lingid sa kaalaman ng marami ang biglang pagkawala ni Kathryn noon. Kahit ako, I was left with no definite reasons and I spent years asking that same question everyday. Recently, nasagot na rin ang tanong na yan na ilang taon din akong dinurog at sinaktan." Daniel answers with vulnerability. He showed everyone how it shook him. Ho Kathryn leaving him affected him all these years.

Kahit KailanWhere stories live. Discover now