Chapter 051 Run Away

31K 1K 91
                                    

Antipolo Doctors Hospital Room 4959, 5:25 AM

"Sir Daniel, papalitan niyo po ng dressing itong kamay niyo araw araw po para gumaling agad at para maiwasan din ang impeksyon." sabi ng nurse habang binebendahan ang kanyang sugatang kamay.

Nasa loob sila ngayon ng Emergency Room kasama niya si Min.

"Nag prescribe rin po si Doc ng gamot kung sakali na kumirot po yang sugat sa kamay niyo." payo uli ng nurse sa kanya.

"Thank you so much." magalang niyang sagot rito.

"Dj, dito ka muna. Bibilhin ko lang tong mga gamot mo tapos umakyat na tayo sa taas. Baka gising na si Kathryn." Min said before she went out and headed to the pharmacy.

Tinignan ni Daniel ang oras. 4:25AM he decided to wait outside by the waiting area just beside the ER.

Daniel looked at his hands that was now covered with bandage, it hurts but he can still endure. He can feel the twitching of his wounds but still he chooses not to mind it.

"Malayo sa bituka..." he thought.

Kaya pa niya ang kirot sa kamay niya ngunit merong mga sakit na hindi na niya kinakaya at hindi na kakayanin pa. Sa una at huling beses sa buhay niya, para bang tinatakasan siya ng tapang at unti unting naduduwag.

Daniel stared blankly to the air as he remembered the conversation between him and Min earlier in the parking lot.

"Saan ka ba galing na bata ka ha? Bakit ka umiiyak?" pagaalala ni Min kay Daniel ng makita itong umiiyak habang humithit ng sigarilyo.

Mag dadalawang buwan na rin kasi siyang tumigil sa paninigarilyo, ngayon na lamang siya umulit.

"Mama..." he calls the mother of Kathryn. Dati na niya itong natatawag ng ganon at siguro sa mga oras na iyon kailangan na kailangan lang ni Daniel ng isang ina. Pangalawang ina na rin niyang maituturing ang ina ng girlfriend.

He rested his head over her shoulders and cried harder.

Nabigla man si Min sa kalagayan ni Daniel ay di kalaunan sinamahan na ito ng pag aalala sa binatang itinuring na rin niyang anak niya.

"Dj, huwag ka ng umiyak. Okay na naman si Kath eh, ligtas na rin ang baby niyo sabi ni Doctora..." she pats his back.

Daniel pulled away for bit, he bowed and shakes his head as he continued to cry.

"Halika ka nga rito sa loob ng kotse mo, dito tayo magusap. Magusap muna tayo bago ka umakyat kay Kathryn. Hindi ka pwedeng umakyat ng ganyan. Magaalala yun sayo, makakasama sa kanila ng baby." sabi ni Min.

Sumunod naman si Daniel at agad na pinagbuksan ang ina ni Kathryn sa front seat.

Nagusap sila ng masinsinan. Hindi na naglaligoy ligoy si Daniel. Inamin na niya rito ang kanyang naging desisyon.

Magkahalong gulat at lungkot ang namayani kay Min. Masakit sa kanya ang marinig iyon mula kay Daniel. She knows he means well but it is still heartbreaking to hear.

"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo Dj?" naluluhang tanong ni Min kay Daniel.

Daniel could only nod as an answer.

"Gagawin ko po ito para kay Kathryn." he firmly said.

"Para sa mga anak namin. Para sa pamilya namin. Sila muna bago pa ang kahit ano at kahit sino." he continued.

"Kung yan ang sa tingin mo ay dapat..."

"I just want to give Kath the best Tita..." Daniel speaks again then he stops holding his breath "...and this is not the best yet."

Kahit KailanWhere stories live. Discover now