Chapter 36 Truth

42.5K 1.2K 132
                                    

Kahit Kailan Press Con, Part 1

Dumating na ang ibang casts ng Kahit Kailan. They settled themselves up on the stage. Iilan lang ang nakasama sa press con dahil nasa taping sa ibang unit ang iba. Kabilang sa nakasama ay si Emil na pinakilalang bagong artista ng network.

Sa pinaka gitna naupo si Kathryn, sumunod sa kanya si Daniel na umupo sa kanan at nagkusa si Emil na umupo sa kaliwa niya.

Napansin naman iyon agad ni Daniel pero hinayaan na lamang niya. Wala namang masama dahil parehas silang cast ng palabas.

Bumeso pa ito kay Kathryn bago mag simula samantalang hindi man lang nito binati si Daniel na katabi lang ni Kathryn.

Agad na nagsimula ang mga hosts na ipakilala ang iba't ibang member ng press na dumalo.

"Ayan Mars, pwede na tayong magsimula. Talaga namang all star cast pala itong Kahit Kailan with Miss Sylvia Sanchez nandito rin."

"Ayan simulan na po natin, magpakilala muna ang ating mga cast, director and writers...simulan natin kay mga magagaling na manunulat." the host made a sign for them to pass on the mic to the writers who was seated at the end part.

Isa isa silang nagpakilala mula sa writers, sa supporting casts hanggang kay Kathryn at sa director na si Daniel.

"Hello po...magandang araw po sa lahat! Salamat sa pag punta niyo sa presscon sana po ay maligayahan tayong lahat. Yon." he puts down his mic.

"Okay, let's start...sino ba ang unang magtatanong diyan Mars?"

"Eto si Tito Robert ng Radyo Artista ang ating bwena manong magtatanong..."

"Hello, good morning! Una sa lahat gusto ko munang batiin ang buong cast and crew ng up coming show niyo dahil naka ilang milyong views na ang official na trailer ng teleserye and welcome back Kathryn! Mas gumanda ka lalo."

"Ay thank you po Tito. Maraming salamat sa mga positive na comments sa trailer namin." Kathryn replied with a bright smile she always had.

"Here's my question. Kath,how does it feel to be back in the limelight after years of rest from show business? May mga nagbago ba? Are you pressured?"

"Siyempre masaya po Tito. Masaya na kinakabahan. Nandoon yung kaba kasi nga matagal akong nagpahinga. Maraming nagbago sa loob ng halos six years na yan. In terms of technique, sa pag arte. Kung paano ang mas bago at effective na pagdala sa isang eksena. Siguro diyan ako pressured. Pero naaaral naman yan and ako naman po, I am always willing to learn. Kaya I'm excited. Kasi mahal ko to eh, mahal ko ang acting. Mahal ko ang trabahong ito, so ayun...it's like going back to my first love. It feels that way." she stops.

"Follow up question lang, since nabanggit mo na rin ang love. Speaking of love, showbiz at acting nga lang ba ang binalikan mo Kath? O meron ka pang ibang binabalikan rin." tanong sa kanya ng radio reporter na halatang nanunukso base sa kanyang tono at mata.

Nagsimulang mag bulong bulungan ang mga tao sa paligid nila. Mukhang alam rin nila kung ano ang tinutukoy ng mga reporter.

Hindi naman iyon minasama ni Kathryn in fact she just laughed it off. She expected it.

"Grabe." nagsalita uli si Kathryn sa mic ng natatawa. "Na i- segue mo agad Tito ha."

"Sorry." sabi ng nagtanong.

"Ahm..." inayos ni Kath ang upo niya. Lumingon pa kay Daniel na nakangiti sa kanya. "...marami naman po akong binalikan talaga. Andiyan yung trabaho,yung mga kaibigan ko, mga fans din and of course...opo, si Dj." she confirms. Wala na siyang itinuloy sa sagot niyang iyon at binaba na ang mic.

Kahit KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon