Chapter 20 Bleed

43.2K 1.2K 202
                                    

Bernardo's residence, 10pm

Mula sa airport, agad na dumiretso si Daniel sa bahay ng mga Bernardo pagkatapos mahigit tatlong araw na hindi sumasagot si Kathryn sa mga tawag at text niya. Pati mga social media ng aktres ay deactivated. Panay ang pakiusap niya sa pamilya at kaibigan niya na icheck ito sa kanilang bahay pero lagi raw ito walang tao.

Ang sabi pa ng ina niyang si Karla "Anak, umaga at gabi dumadaan ako doon...pero wala naman sumasagot pag nagdodoorbell ako."

He was supposed to come home a week after but he had to cancel one show just to check on Kathryn. Lagpas tao na pag aalala niya. Hindi kahit kailan nawala na lang bigla si Kath kaya doble ang pagaalala niya.

He was frustrated to find her still unreachable, pati mga numero ni Min, Kevin, Teddy at iba pang kapatid ni Kath ay hindi macontact. Kaya hindi maaring walang problema. He checked Twitter at halos lahat ng fans nila ay nagaalala sa biglang pagdeactivate niya.

There were numerous theories that surfaced on why Kathryn is missing in action.
He kept on dialing her number but he still can't get through "The number you have dialed is either unattended or out of coverage, please try your call later." boses ng operator lang ang laging sumasalubong sa kanya.

"Bal...asan ka ba? Ano bang nangyari sayo?" pawisan siya sa loob mg sasakyan kahit naka full blast ang aircon.

He reached their house at exactly 6 pm. Hindi na niya naipark ang sasakyan ng maayos at agad na tinakbo ang gate saka nag doorbell at hindi pa ito nakuntento sinimulan niyang kalampagin ito.

"Kath! Tita Min!" sigaw niya mula sa labas.

Madilim ang buong bahay at wala kahit isang ilaw ang nakasindi.

He continued banging their gate but still nobody is opening up for him. Luminga linga siya kung may tao ba pero wala siyang makita mula sa kinatatayuan niya.

Maya maya lang ay may babaeng bumaba sa taxi. Mga nasa trenta na siguro ang edad at nilapitan siya.

"Ahm, excuse me...Daniel." tawag nito sa kanya. Nilingon naman siya nito at kita sa mukha niya ang pagiging balisa.

"Hi. Ako si Mrs. Torres." pakilala sa kanya ng babae. May dala itong maliit na pouch na nakaipit sa may kilikili. "Ako yung caretaker ng bahay na to, binilin sa akin ni Ms. Kathryn--"

"Kakilala niyo si Kathryn? Binilin?..." he asked confused "Bakit? Saan siya nag punta?"

Hindi pinansin ng babae ang mga tanong niya pero may kinikuha ito mula sa loob nung pouch na dala niya.

She took out a small velvety box. Daniel could recognize it right away and a small envelope that looks like a letter.

"Pinapaabot ni Ma'am ito sa iyo."

Nakatingin lang si Daniel sa inaabot sa kanya ng babae with a very confusing look. At that moment he was thinking if he was having a bad dream?

"Nasaan si Kath?" tanong niya uli pero umiling lamang ito.

Kumunot ang noo ni Daniel. "Sabihin niyo na nga sa akin, wala ako sa mood makipaglokohan."

"Sir, kunin niyo na po ito. Yan lang po ang bilin nila sa akin bago sila umalis. Iniwan lang po ito at ang susi."

"Umalis?!" mas nagtaka na si Daniel sa sinasabi ng babae.

"Kunin niyo na po ito para makaalis na rin po ako, naghihintay sa akin yung taxi--"

"Akin na ang susi." Daniel says.

Kahit KailanWhere stories live. Discover now