Chapter 03 Again

34.1K 1K 268
                                    

(please play the soundcloud clip found in this chapter para sa feeellllz 😉)

Conference room, 10th floor

Dumating si Kath sa lugar mag aalas nuebe ng umaga at agad niyang tinungo ang conference room sa ika sampung palapag ng gusali. Kasa-kasama ni Kath si Lory na maya't maya ay ina update siya sa kanyang schedule.

Dalawang araw pa lang si Lory kay Kath pero nakapalagayan na niya ng loob ito. Madali kasing pakisamahan ang nagbabalik artista at dati pa ay idol na rin ni Lory si Kath.

Sobrang dami ng ikinukwento ni Lory tungkol sa pagiging fan niya nito at ng dating ka loveteam at dating kasintahan.

Hinahayaan ni Kath na magkwento si Lory tungkol sa kanila. Ipinagkakasya ni Kath ang kasiyahan niya sa pakikinig sa mga kwento ng PA tungkol sa kanila ni Daniel. Hindi maipagkakaila na lumiliwanag ang mukha ni Kathryn sa tuwing babanggitin ng assistant ang pangalan ng lalake.

Pagkapasok pa lang ng Kathryn sa loob ng building ay nakilala na siya ng nga iilan na naroon.

Hindi naman kapansin pansin ang suot niya. Kath is dressed with a loose white shirt over a skinny ripped jeans and pair of blue Valentino. But her presence, it always demands attention, agad niyang nakuha iyon kahit wala siyang ginagawa ay napapansin siya.

Mula sa pagpasok sa elevator hanggang sa paglalakad niya sa hallway palaging natitigilan siya dahil sa mga taong bumabati at nangangamusta. Ikinatuwa naman iyon ni Kath dahil masarap sa pakiramdam na matagal man siyang nawala ay tila walang nagbago.

Pagkalabas niya sa elevator aa 10th floor may nakasalubong ulit siyang kakilala. Nilapitan siya nito at agad na kinamusta.

"Hi Kath! Welcome back! Totoo pala talaga ang balita, you're back." Kelly, she remembers her name. Isa sa mga staff ng ASAP from years ago.

"Oh my God. It's really you!" niyakap siya nito ng mahigpit.

"Yes it's me, Kelly. Kamusta ka na? Dito ka pa din nagtatrabaho?"

"Oo eh. Dito na yata ako tatanda." sabi ng staff na kakilala ni Kathryn.

"Namiss ka namin Kath, catch up soon.Saan punta mo? Back to work ka na?"

"Yes. Kayod ulit." natawa siya "May storycon ako sa may conference room, bagong serye." Kath proudly said.

"Wow! Exciting! Namiss ka talaga ng fans mo. I'm sure this will be a great comebak for you." puri ni Kelly. "You look fabulous than ever! Mas sumexy ka ha." dagdag pa nito at namula si Kathryn.

"Grabe ka. Hindi naman. Tumaba nga ako eh." she replied. Kathryn have really gained some weight but it fit her just fine. Actually not just fine, but perfectly. Bumagay sa kanya ang ganung katawan. She acquired a voluptuous womanly figure that can allure any man alive.

Plus her skin tone that has been the envy of most women. That sun kissed glow Kathryn has, it mesmerized hundreds and thousands of man. It leaves them in a fantasy of having their hands touch even a part of her luscious bronze colored beauty.

"Hindi naman ah. Ang sexy mo nga, mas na define ang curves mo." sabi pa nito.

"Hey, I heard Dj is here too. May meeting daw today. Nagkita na ba kayo?" doon lamang tila natigilan si Kath at unti unti nabura ang tuwa sa mukha, napalitan ng kaba.

"Ha? Andito siya?" akala ko nag shooshoot sila ng movie ngayon somewhere in Marilao? She thought to herself.

"Oo, chismis na chismis ngayon sa may newsroom na andito ka at andito rin si Daniel. Okay ka lang ba?"

Kahit KailanWhere stories live. Discover now