Chapter 041 Constantly

41.1K 951 137
                                    

Hotel Rembrandt Quezon City

"Kailan niyo ba balak magpakasal mga anak?" Karla asked Kathryn and Daniel.

Masarap na pinagsasaluhan nina Karla, Daniel, Kathryn, Magui at Lelay ang hinanda nilang espesyal na hapunan. May steak, pasta at kba pang paboritong pagkain ni Kathryn.

Dumalaw sila kinagabihan sa bahay ng mga Fords dahil kakalabas lang ng Tita ni Daniel na si Ana mula sa ospital. Kakapanganak lang kasi nito dalawang araw ang nakakaraan.

Abala si Joaquin Angelo sa pakikipaglaro kay Jordan. Kitang kita ni Kathryn na seryosong naguusap ang dalawang bata tungkol sa remote controlled car. Tila tinuturuan ni Jordan si JA kung paano ito mas papabilisin ng takbo.

"Wala pa po Tita. Hindi pa namin napapagusapan. Especially after what happened. Masyado kameng nag worry eh." Kathryn answered taking her glass down.

"Ano ba naman anak? Tita pa rin? Mama na." pag sita ni Karla sa kanyang magiging daughter in law.

Ngumiti si Kath at medyo nahiya. Hindi pa rin nawawala sa kanya iyon, kahit na ang tagal tagal na nila ni Daniel eh hindi pa rin nito natatawag na Mama si Karla tulad ng hiling nito. Ngunit hindi na ngayon, if there is one thing that have changed between them yun ay mas naging malapit sila sa isa't isa.

"Sorry po...Mama." she corrected.

"Ayan. Better." Karla said. "Kailan niyo naman balak magsimulang mag plano?" halatang excited na rin ito.

Daniel who was just sitting beside her smiled from ear to ear just watching them. Two women who played such a big part of what he is now. They have always been close at masaya siyang bumalik uli sila sa dati.

"Ma kasi hindi pa talaga namin napapagusapan eh. Tyaka ayokong madaliin itong wedding Ma. Gusto ko ibigay kay Kath and pinaka magandang kasal sa lahat. She deserves it." Daniel said giving Kathryn side glances.

"Alam ko yun anak. Alam kong paghahandaan niyo talaga to. Pero huwag kayong papressure ha. No matter how high the anticipation will be, don't be in a rush. Kayo na yan, take your time, sa inyo ang bagay na yan. All I want is maging masaya kayong pareho sa kasal niyo."

"Thanks po Ti--" Kathryn stops "Mama."

Nagkatinginan sila ni Daniel saka ngumiti.

"Grabe Kuya!" biglang sambit ni Lelay.

"Kung tignan mo si Ate Kath parang kahapon lang kayo naging mag boyfriend girlfriend." sabi nito "Parang tinutunaw mo siya. Ang awkward kaya na you stare at her while she eats. Ako ayoko ng ganyan kapag magka boyfriend ako." dagdag ng bunso niyang kapatid.

"At sino may sabi sayo na pwede kang mag boyfriend? Hoy Carmela, gusto mo bang lumpuhin ko yang poporma sayo? Sino ba yan ha?" pag kontra agad ni Daniel.

"I said kapag. Bingi." Lelay answered.

"Mag aral kang mabuti. Bawal yan ha, sinasabi ko sayo."

"Ang unfair mo Kuya. Ikaw kaya nag girlfriend kayo ni Ate Kath halos ka age lang tayo." dahilan nito.

Hindi agad nakasagot si Daniel sa dinahilan ng kapatid.

"Nako Lay, kay Kuya ka pa eh ako nga gusto niya sagutin ko yung suitor ko pag 30 na daw ako." irap ni Magui "Lolo forever."

"Lolokohin lang kayo ng mga yan." Daniel said. "Wala ng matinong lalake ngayon."

Nakikinig at natatawa na lang sina Karla at Kathryn sa usapan ng mag kuya.

"Bakit ikaw? Niloko mo ba si Ate Kath?"

Kahit KailanWhere stories live. Discover now