Chapter 014 Talk

40.9K 1.1K 232
                                    

Dj's unit, 25th floor.



The rain was pouring hard, the streets were empty with only the lights and some flickering Christmas decors were joyfully blinking around the neighborhood at 3 am but Daniel was out there, outside the Bernardo's residence, under the unforgiving rain still begging for them to open up for him. Even if he knows that nobody is going to open up for him.

Because they all have left. To somewhere he doesn't know and no one would tell.

It's been three weeks since Kathryn suddenly disappeared in his life, with no trace, no signs or clues he could begin with. Not even a reason he could remember.

"Kath...buksan mo to." Daniel banged weakly the steel gate with his one arm, he was literally sitting on the street floor outside Kathryn's house -- drunk of alcohol and pain.

"Kathryn...Bal..." he cried for her incoherently, his voice have drowned in the noise and intensity of the rain. Still he called for her. If any one would see him in his state would probably see how helpless he is, how the situation have sucked all the life out of him.

Sinandal ni Daniel ang kanyang ulo. Hilong hilo pa siya mula sa alak at sakit sa puso niya. Sumandal siya doon sa pader ng bahay nila Kathryn. Suot niya pa rin ang t-shirt niyang pangatlong araw na niyang hindi hinuhubad dahil hindi siya umuuwi sa bahay. Kung hindi sa bahay ng mga kaibigan at umiinom, andoon siya sa harap ng bahay ng mga Bernardo naghihintay na baka biglang may lumabas na Kathryn doon.

"Kath? Di mo na ba ako mahal?" he said softly that only his broken heart could hear. Nakayuko siya habang nakaupo doon basang basa sa ulan. Yumuyugyog ang balikat at parang wala na ibang maramdaman kundi pangungulila sa minamahal na nangiwan. "Kath, ano bang nagawa ko? Ano bang nagawa ko? Sabihin mo naman..." patuloy niya.


Matagal pa siya nasa ganoong ayos hanggang sa may maramdaman siyang mga yapak na naglalakad papunta sa kanya. Agad niya itong tinignan, tumingala siya "Bal?"


"Anak." ngunit si Karla iyon, ang kanyang ina. May kasamang mga security ng subdivision at sinusundo siya. Pinayungan siya ng mga ito at agad na niyakap. "Anak, tama na. Halika na, uwi na tayo." inaalo niya ito at siya man ay umiiyak na makita si Daniel sa ganoong estado.


Humikbi lalo si Daniel sa pagkayakap sa kanya ni Karla at saka nagpakawala ng malakas na pagiyak. "Bakit ako iniwan ni Kathryn Ma? Hindi ko maintindihan...ang sakit!" he gasps for air like a child from too much crying "Bakit Ma?"


"Anak halika na, basang basa ka na sa ulan. Magkakasakit ka na niyan eh." pinipilit siyang tumayo ng ina.


"Wala na pong sakit ang tatalo po sa nararamdaman ko ngayon Ma." he said.


Matagal pa bago nakumbinsi ni Karla si Daniel na sumama sa kanya. Binalot siya nito ng makapal na tuwalya at sinakay sa dala niyang sasakyan.


Maya't maya nililingon ni Karla ang anak na akala niya ay natutulog dahil nakasandal ang ulo nito sa may bintana ngunit hindi pala ng bigla itong magsalita "Para akong pinatay ni Kathryn Ma." nakapikit pa din siya.


"Pinapatay niya ako sa sakit. Sa hindi pagbigay ng dahilan." natitigil siya bigla at tumutulo ang luha kahit nakapikit "Sana may dahilan, wala akong dahilan, wala siyang dahilan Ma." at tuluyan ng ngumawa sa loob ng sasakyan. Kinailangan itigil ni Karla ang sasakyan para muling mayakap ang anak na balot na balot sa sakit na hindi niya alam kung saan nanggagaling at saan titigil. Sagad sa buto at kaluluwa ang pasakit na nararamdaman niya.


Kahit KailanWhere stories live. Discover now