Overview

153K 3.6K 248
                                    

Ang sabi nila pag mahal mo ang isang tao, pakawalan mo at hayaan mo siyang sumaya sa piling ng iba, pero ako, hindi ako naniniwala. Pag mahal mo, ipaglaban mo. Pag gusto mo, habulin mo. Huwag kang tanga. HAPPINESS IS A CHOICE.

"Pangga!" Napalundag ako sa tuwa nang sa wakas ay naabutan ko siya. Ang bilis niya kasi maglakad, eh.

"Ikaw na naman?! How many times do I have to remind you, stop stalking me, Miss!" Napangisi ako nang sa wakas ay kinausap niya ako. Kulang nalang ay magpasabog ako ng confetti sa harapan ko ngayon. Sa susunod magdadala na talaga ako ng party popper para masaya.

"Ilang beses ko din ba dapat sabihin sa'yo na hindi ako stalker, I'm your lover!" nakangising sagot ko. Napahilot ito sa kanyang sentido. Tang*na! Ang gwapo niya talaga!

"Get out of my life, woman! Bumalik ka sa kung saang lupalop ka man nanggaling, naiintindihan mo?" madiin at nanggagalaiting wika nito. Halos lumitid na ang ugat nito sa leeg sa sobrang inis.

"Eh di dapat pala hindi ako aalis sa tabi mo kasi nanggaling ako sa puso mo," nakangiting sagot ko na ikinalaglag ng kanyang panga. Dumilim ang kanyang mukha at para itong papatay anumang oras.

"What?!" Nanlaki ang kanyang mga mata at 'di makapaniwalang tiningnan ako.

"Bingi ka ba? Sabi ko liligawan kita! Huwag ka nang magpakipot. Halata namang may gusto ka din sa'kin eh!" 

Namula ang kanyang mukha at mabilis akong tinalikuran. Pero siyempre mabilis din ang reflexes ko kaya hinabol ko siya.

Hinding-hindi ka makakatakas sa akin, Pangga!


ⓖⓡⓔⓐⓣⓕⓐⓘⓡⓨ

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon