Special Chapter

96.5K 2.2K 90
                                    

TININGNAN ko ang bawat sulok ng kwarto niya at binuksan ko rin ang banyo at closet niya pero wala. Hindi ko talaga siya mahanap. Binaliktad ko na rin pati ang bedsheets at muntik pa ako mauntog sa sahig nang tumuwad ako para tingnan ang ilalim ng kanyang kama ngunit wala pa rin. Saan na naman kaya pumunta ang batang 'yon?

"Yumi Armina Villaceran!" tawag ko sa buo niyang pangalan. Walang sumagot kaya naisipan kong bumaba habang tinatawag pa rin ang pangalan niya.

"Manang, nakita n'yo ho ba si Yumi?" tanong ko kay manang Len na abala sa pagluluto.

"Naku anak, baka sa kwarto lang. Magkasama sila kanina ng pinsan niya. Baka naglaro na naman."

"Wala ho siya sa kuwarto niya. Teka po, nandito si Pinky?"

"Oo, mukhang tumakas na naman ang isang 'yon sa kanilang bahay."

Napailing na lamang ako at nagpaalam kay manang para hanapin sila. Kapit-bahay lang kasi namin sila kuya Skeet at ate Nisyel kaya naman palaging tumatakas ang kanilang anak para makipaglaro sa anak ko. Napagdesisyunan kasi namin noon na sa iisang subdivision kami titira since ayoko na masyado akong malayo sa kanila ni mommy. Maigi na rin 'yon para kung may emergency madali silang puntahan at madali rin silang makapunta dito.

Halos baliktarin ko na ang buong bahay ngunit hindi ko pa rin sila makita. Saan na naman kaya nagsusuot ang dalawang 'yon? Tiyak puro na naman sila kalokohan.

"Yumi, baby?"

Lumabas ako ng bahay at tinungo ang garden. Narinig ko ang mumunting hagikhik mula doon. At hindi nga ako nagkamali. Naabutan ko silang dalawa na naglalaro ng bulaklak. Ngunit nanlumo ako nang makitang putol na ang kawawang orchids ko na inalagaan ko ng ilang buwan.

"Anong ginagawa n'yo?" Pareho silang napaiktad na dalawa at dahan-dahang lumingon sa'kin. Gusto kong magalit sa nangyari sa orchids ko ngunit pinigilan ko ang sarili.

"Di ba binalaan na kita na huwag na huwag mong paglalaruan ang mga bulaklak dito sa hardin, Yumi?" Nakita kong napalunok ang anak ko at naibaba ang gunting na hawak niya. Napatakip din ng bibig ang pamangkin kong si Pinky at nanlalaki ang kanyang mga mata.

"Patay," mahinang bulong nito sa pinsan niya. Pinky is five years old, while Yumi is seven. Pareho kasing lalaki ang kambal na kuya ni Pinky kaya wala siyang kalaro. Palagi tuloy siyang tumatakas sa kabilang bahay. Mabuti na lang at pinaigting ni kuya Skeet ang security sa buong subdivision.

"M-Mommy..."

"I warned you not to touch anything in my garden, right?"

"T-Tita Gold, s-sorry po," mahinang tugon ni Pinky at yumuko. Nakita ko tuloy ang isang tangkay na nahulog mula sa kanang tenga nito. Hindi ko alam pero biglang kumulo ang dugo ko. Araw-araw kong binibinyagan at kinakantahan ang mga bulaklak tapos bigla na lang masisira ng ganoon lang?

"Pinky, umuwi ka na." Mabilis naman itong kumaripas ng takbo at hindi na nagawang magpaalam sa kanyang pinsan. Naiwan naman kaming dalawa ng anak ko.

"Yumi!" Bigla akong nakosensya nang makitang nagsimulang bumalong ang luha sa kanyang mga mata. Pero ayaw ko namang paulit-ulit na ganito palagi.

"M-Mommy..."

"Bakit mo pinakialaman ang mga bulaklak dito, ha?"

"S-Sorry po."

"Pasok sa loob!" Agad naman itong tumalima. Napahilot na lamang ako sa aking ulo nang bigla akong nahilo. Kakagaling ko lang sa lagnat ng ilang araw. Sumunod naman akong pumasok.

The Scorned LoverWhere stories live. Discover now