TSL 5: Deposit

74.4K 1.9K 206
                                    

 "LOOK what you've done!" bulyaw niya. Napatingin na rin sa'min ang ibang mga customers.

"Ang unfair mo naman, Pangga. Kasalanan ko ba kung magugulatin ka. Kalalaki mong tao ang nerbiyoso mo." Parang naging laser beam naman ang kanyang mga mata kaya napaatras ako.

"Shit! You are really getting into my nerves!" Bulyaw niya na ikinasinghap ng mga tao sa paligid.

"Talaga, Pangga? Sa nerves mo na?! Yeheks!!! Konting na lang, I will get into your heart!" Excited kong sagot. Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya ah. Sa nerves na raw, eh.

Bigla niya namang hinaklit ang aking braso kaya nagningning ang aking mga mata. Shet! Feeling ko naka-high voltage kaming dalawa.

"Listen, woman." Madiing sabi niya at tinitigan ako sa mata. Napalunok ako. Ang bango ng hininga niya! Parang snow bear na kendi!

"I don't want to see your face anymore, understood?" Napatango ako. Ang guwapo talaga ng asawa ko. Paano kaya siya ginawa ng mommy at daddy niya na naging ganito kaperpekto ang kanyang itsura? Mainam siguro kung itatanong ko sa mga future biyenan ko kung anong sikreto nila. Tama---

"Waaah! Pangga! Wait!" Hindi ko namalayang tumalikod na pala siya at tinahak ang exit ng coffee shop.

"PANGGA!!!" malakas na sigaw ko at sinundan siya ngunit hindi ko na siya naabutan dahil mabilis itong sumakay sa kanyang sasakyan.

"I don't want to see your face anymore, understood?"

Bakit ngayon lang rumehistro sa utak ko ang kanyang sinabi? Crap!

"Gold Reign Mijares!" Natigilan ako nang marinig ko ang buo kong pangalan.

Si Tita Yvonne.

"You have a lot of explaining to do."

Patay.

***

"TEKA, bakit puro Filipiniana dress ang kinukuha mo, Gold? Aanhin mo ba ang mga 'yan?" takang tanong ni Ate Nisyel. Isinama ko kasi muna siya rito sa mall para hindi siya mabored sa kahihintay kay Kuya na kasalukuyang may appointment sa Norweigan investor ng negosyo namin.

"Kailangan ate eh, para pansinin na ako ni Pangga" sagot ko habang sinisipat ng tingin ang isang mint green na modern Filipiniana gown.

"Sinong Pangga?"

Natigilan naman ako nang nagtanong siya ulit. Naalala ko tuloy si Pangga. Nami-miss ko na siya. Ilang araw na kasi siyang hindi umuuwi sa kanyang condo. Hindi niya rin dala ang kanyang sasakyan.

"Si Pangga... siya ang destiny ko."

"Ano?!" di-makapaniwalang saad niya.

"Oo ate. Wait lang ah, isusukat ko lang ang mga to."

Pumasok ako sa fitting room para isukat ang nakuha kong green na gown. Sumunod naman si Ate Nisyel. Kailangan ko kasing dagdagan ang Filipiniana gown ko dahil ibinigay niya ito sa dating secretary ni Kuya Skeet.

"What do you think ate?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Bumili kaya tayo ng artificial na balat tsaka lagyan natin ng foam ang katawan mo" suhestyon niya na ikinakunot ng aking noo.

"Bakit ate?"

"Para Imelda Marcos talaga ang dating mo." Aniya. Napasimangot na lang ako. Ang tino niyang kausap, promise!

"Ito kasi ang gusto ni Pangga eh, dalagang Pilipina daw."

"Ang choosy naman pala ng destiny mo. Teka... hindi kaya reincarnation yun ni Marcos?!"

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon