TSL 29: Condition

73.9K 2K 246
                                    

KUMUYOM ang kamao ko nang walang anu-anong tumayo siya at pumanhik sa hagdan. Leaving us all in shock.

"Gold? Anak, sandali!"

"Maliligo lang po ako, Mommy. May pupuntahan pa ako. Excuse me."

I already have a boyfriend, at siya lang ang pakakasalan ko.

Boyfriend? She already has a boyfriend? Kelan pa nangyari 'yon? My heart twinge in pain. Napasabunot ako sa sariling buhok.

"A-ayos ka lang ba, anak?" I shook my head. Hindi ko mapigilang mapaluha. She just said it as-a-matter of fact. .

"E-excuse me, susundan ko lang ang anak ko. Gold!"

Hindi ko na nagawang magsalita nang tumayo si Mrs. Mijares. Ang sakit, sakit!

"Bryce, wait!"

Dire-diretso akong lumabas ng bahay na 'yon. Hindi ako makapaniwalang gano'n kabilis niya lang akong pinalitan.

I already have a boyfriend, at siya lang ang pakakasalan ko.

Hindi ako makakapayag. Akin lang siya! I calmed myself and dialled Edmund's number.

"Sir? Papunta na ba kayo? Handang-handa na--"

"Abort plan B, Edmund. Proceed to plan C."

"S-sir?"

"You heard me, right. Abort plan B, pronto! Lalabas siya ngayon, abangan n'yo sa labas ng subdivision. I'm sure she will ride a taxi. I want you to get her."

"Right away, Sir---"

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan pagkatapos ng tawag.

Kung hindi kita madadala sa usapan, puwes, kukunin kita, the Villaceran way, Uyab Ko!

I don't want to believe what she just said. I hope she's just bluffing around, because if not, babalatan ko nang buhay ang lalaki niya.

I didn't waste any time to pack my things the moment I arrived at my pad. Nagdala rin ako nang mga damit na kakailanganin niya sa pupuntahan namin. Yes, I bought some clothes for her before. Halos kalahati nga ng closet ay halos okupado na ng mga damit para sa kanya. Mabuti na 'yung nakahanda sa lahat ng oras.

This is my last draw. I know this one is a desperate move, but I don't give a damn anymore. Bahala na kung ipakulong ako ng mga Mijares sa gagawin ko. Ang mahalaga maitali ko ang anak nila sa'kin.

I grinned mischievously. Hinding-hindi ko hahayaang mapupunta siya sa ibang lalaki. I've done so much for her. Ayokong mapunta sa wala ang lahat.

Pagkatapos kong mag-impake ng mga damit ay agad akong bumaba at tinawagan si Edmund.

"Nakuha n'yo na siya?"

"O-opo, Sir. Nasa van na kami." I heard him whimpered from the other line.

"Are you okay, Edmund?"

"A-ayos lang po. Natadyakan lang ako ni Ma'am Reign." I laughed. Amasona talaga ang isang 'yon.

"Good. Dalhin n'yo na siya agad do'n. Don't ever let her escape. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Maliwanag Sir."

"I'm on my way."

I stared vaguely on the steering wheel before starting the engine. Tama ba 'tong gagawin ko? I hope she would forgive me once she finds out. Pero wala na talaga akong maisip na ibang paraan para makuha siya.

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon