TSL 16: Distant

54.8K 1.5K 43
                                    

HINDI ko magawang gumalaw sa aking kinauupuan. I didn't see this coming. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Magkahalung kaba, takot at pagsisisi.

I regret not telling him the truth the whole time and wasting those chances. I regret that I let my fear overcome my whole being. Ngayon natatakot akong harapin ang anumang nangyayari. I should have told him beforehand. I should have confessed everything to him.

Bumuka ang aking bibig ngunit walang lumabas na kahit anong salita. Nakita kong tumayo siya at kinamayan ang isa pang may katandaang lalaki na kausap niya. Marahil ay isa sa mga may ka-appointment niya. How stupid I am to forget, he is a businessman.

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang minura ang tadhana sa isip ko. Hindi ko rin alam kung anong gusto niyang laruin. Ayokong paniwalaan na coincidence lang ito. It shouldn't be, right?

"Anak? What's wrong?"

Parang tinatambol ang dibdib ko nang magsimula siyang maglakad papunta sa direksyon ko. Walang emosyon ang kanyang mukha. Yung tipong hindi ko mawari kung galit siya o hindi.

"Anak?"

Ito na ba talaga ang katapusan ng lahat? Mauudlot na ba ang pag-iibigan naming hindi pa naman nasisimulan? Hindi. Hindi ko kaya.

"P-pangga..." Sa wakas ay nakapagsalita ako ngunit hindi ko narinig ang boses ko. Para akong nauupos na kandila habang papalapit siya. Diretso lamang ang kanyang tingin kaya lalong bumibilis ang pagtahip ng aking dibdib.

Pikit mata akong tumayo nang ilang dangkal na lamang ang kanyang layo.

"P-pangga--" Napanganga na lamang ako nang hindi niya ako pinansin at dumiretso lang siya sa exit door.

"Gold?"

"Anak?"

"Mommy? Daddy? Pasensya na po. May hahabulin lang ako."

"Gold!"

Mabilis ko siyang hinabol. Wala na akong pakialam kung magagalit sa'kin si Daddy. Kailangan kong magpaliwanag kay Bryce. He needs to know na wala akong masamang intensyon sa kanya.

"Pangga!" Pinagtitinginan ako ng mga taong nadadaanan ko. Maybe they are wondering what's happening.

"Pangga! Wait!"

Naabutan ko siya sa parking lot na akma nang papasok sa kanyang sasakyan.

"Pangga! Let me explain, please?" Agad ko siyang niyakap sa likod para hindi makawala. He need to listen to my explanation.

"Get your hands off me." Parang kinurot ang aking dibdib nang marinig ko ang kanyang boses.

"Pangga, hear me out! Please?" I begged. Hindi ko kayang mawala siya. Mahal na mahal ko siya.

"I didn't ask you anything to explain. Now, get off!" I shook my head and tightened my grip. It's now or never. Kung hahayaang ko siyang umalis baka tuluyang siyang mawala.

"Pangga, huwag ka munang magalit. Pakinggan mo naman muna ako. H-hindi ko sinasadyang magsinungaling."

"N-natakot lang ako. Sasabihin ko naman talaga sa'yo ang totoo. Naghahanap lang ako ng tiyempo." Nagsimulang bumalong ang luha sa aking mga mata. Naiisip ko palang na galit na galit siya sa'kin ay para akong namamatay.

"Do you really think I will believe in you after you lied, huh?"

"P-Pangga..."

"Gold Reign Cervantes, nice name." Tumawa siya nang mapakla at buong lakas akong kinalas sa kanyang katawang saka hinarap.

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon