TSL 26: Gone

67.5K 1.7K 153
                                    

"UNCLE, pa burger naman diyan, samahan mo na rin ng sundae at fries. Nami-miss ko na ang panlilibre mo."

"No, masyado ka nang matanda para kumain sa fastfood, young man."

"Sige na po, please?"

"No."

"Please po? Magpapakabait na po ako, promise! Hindi ko na ibibigay sa mga chatmates ko ang mga pictures mo."

"No."

"Hindi ko na po kayo papaalisin sa bahay namin."

"It's still a no."

"Please--"

"No. Stop it, Xanley. Hindi puwede at ayoko."

"Ang kuripot mo talaga, Uncle! Pareho kayo ni Mommy. Buti pa si Miss Beautiful, mabait. Kailan ko kaya ulit siya makikita? Tsk! Hindi ka marunong tumupad sa usapan, Uncle. Ang sabi mo pag natalo kita sa basketball ililibre mo 'ko."

I heaved out a sigh and stood up from my swivel. Fourteen years old na hindi pa rin nagbabago ang isang 'to. Isip bata pa rin.

"Oo na, oo na. Pambihira ka. Binata ka na mahilig ka pa rin sa fastfood."

"Bakit? May edad na ba ngayon ang kumain sa mga ganyan? Aba! Bago 'yon ah."

"Tsk. Ang laki ng allowance na ibinibigay ni Ate Bridgette sa'yo magpapalibre ka pa."

"Uncle, uncle, uncle. Ang usapan ay usapan. Tuparin mo 'yon."

"Tsk. Let's go. Ang daldal mo. Lalaki ka ba talaga?"

"Pambihira ka Uncle! Sa gwapo kong 'to?"

Napapailing na lamang ako sa pamangkin kong lumaki yatang mas mayabang pa sa'kin. Mas madami pang manliligaw kaysa sa'kin noon.

Bahagya pa akong natigilan sa harap ng fastfood na palagi niyang pinupuntahan noon. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapunta sa ganitong lugar. Sa tuwing nakikita ko kasi ang malaking bubuyog naaalala ko siya.

It's been five years since I last saw her. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay wala na akong naging balita sa kanya. Maybe she left the country. Sinubukan kong hanapin siya pero palagi akong nasasabotahe ng kapatid at tatay niya. They really never wanted me to be with her.

Pero nangako ako sa kanya at sa sarili kong hihintayin ko siya. Kahit gaano pa katagal, titiisin ko. It's been a difficult for me without her in five years. Kahit anong gawin ko ay hindi ko pa rin siya makakalimutan. Hindi ko rin magawang tumingin sa ibang babae. It's always been her and will always be. Siya lang ang babaeng minahal at minamahal ko ng ganito.

Pero hanggang kailan ako maghihintay? Gaano katagal ang matagal? Habang tumatagal na hindi ko siya nakikita ay para nawawalan ako ng pag-asa. Kung puwede ko lang sanang ibalik ang oras, hinding-hindi ko gagawin ang kagaguhang nagawa ko sa kanya. Pero gumawa talaga ang tadhana ng paraan para parusahan ako.

Heto ako ngayon, naghihintay. Nagdurusa sa mga oras na hindi ko siya kasama. Palagi kong naaalala ang mga masasayang sandali na magkasama kami.

"Uncle, natulala ka diyan!"

I was brought back to the present when Xanley snapped at me. I sighed for the nth time. Gusto ko siyang pektusan dahil sa dami ng puwedeng puntahan dito pa talaga niya napiling magpalibre.

"Sa restaurant na lang tayo kumain."

"Gutom na ako, Uncle. Ang dami mong arte. Nandito na tayo pupunta ka pa sa iba. Isa pa trip kong kumain ng burger ngayon. Halika na."

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon