TSL 2: Viral

103K 2.7K 290
                                    

◈GOLD◈

Dear Cupid,

Nakita ko na ang itinakda mong mapapangasawa ko. Ang gwapo niya! Walang duda. He looked hot like me. Infairness ang galing mong pumili ah. Mukha siyang apo sa tuhod ng Greek god na si Zeus! Shet! Nai-imagine ko na ang itsura ng magiging anak namin. Thank you for bringing him to my life! Pero hindi ibig sabihin 'non ay bati na tayo! I hate you for letting that giant bee steal my first kiss! Hindi ko matanggap! Waah! Alam mo bang napahiya ako dahil 'don?! Nainis tuloy sa'kin si Ate Nisyel dahil natapon lahat ng pinabili niya. Buti nalang may binili rin si Kuya Skeet para sa kanya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito! Waah! My virgin lips is gone... FOREVER!

"Princess/Anak?" Napatingin ako sa pinto ng kuwarto ko nang bigla itong bumukas at sabay na pumasok sina Daddy at Mommy.

"Yes, Dad? Mom?" Tiniklop ko ang journal ko at ipinatong sa kama.

"Anak..." Tiningnan ko si Mommy na parang may bumabagabag sa kanya. Even Dad looks worried too.

"Is there something wrong, Mom? Dad?" Nagkatinginan muna silang dalawa at huminga ng malalim si Mommy.

"Anak... kasi--" Napatigil kami nang biglang pumalahaw ang aking cellphone.

Ate Nisyel calling...

"Wait, Mom. Sasagutin ko lang 'to."

"Hello, Ate--"

[Waaaah! Golden sister-in-law!!!] Shet! Bigla kong nailayo sa tenga ko ang cellphone dahil sa sigaw ni ate.

"Ate naman! Bakit ba? Balak mo bang palabasin lahat ng kayamanan ko sa tenga?"

[Eeeh! Sorry, Goldie! Ang saya-saya ko kasi ang sikat-sikat mo na! Congrats!!!]

Kumunot ang aking noo at nagkatinginan kaming tatlo nila Mommy at Daddy.

"Sikat?" naguguluhang tanong ko.

[Eeeh! Hindi mo ba alam? Sikat ka kaya sa facebook. Nagcomment nga ako 'don eh. Deemn! Alam mo bang madaming nag-like sa comment ko? Hihi. I'm so proud of you, sister-in-law! Kainggit ka nga eh, ang dami mo nang fans--]

"Ano bang pinagsasabi mo ate? Anong fans?" Lumapit si mommy at ipinakita sa'kin ang kanyang cellphone.

[Goldie? Andyan ka pa ba?]

Nabitawan ko bigla ang cellphone ko at nanlaki ang aking mga mata sa video na ipinakita ni Mommy.

Waaah! It's me!!!

It's me... kissing Jollibee!!!

"MOMMY!!! WAAH! BAKIT NAGKAROON AKO NG VIDEO?!!!" naghihysterical na tanong ko. Kitang-kita sa video kung paano ko inaway ang mascot ng Jollibee at sinigawan ng, "magnanakaw ng halik!"

"Calm down, Princess. Gagawan natin ng paraan 'yan," pag-aalo ni Daddy. Waah! Huhu! Nakakahiya!

Tiningnan ko ang detalye ng video at napasinghap ako nang makitang 128,000 views na ito. Meron ding 21,628 shares at 50,000 comments. Umabot din ng 126,923 likes!!! Shet!

"Waah! Daddy! Ipa-shoot-to-kill natin ang nag-upload nito! Huhu!"

"Pft! Don't worry princess. Ginagawan na ng paraan ng Kuya Skeet mo. Hours later, mawawala din 'yan."

Tiningnan ko ng masama si daddy dahil parang nagpipigil ito ng tawa habang nagbabasa ng comments.

"Amina nga Dad!"

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon