TSL 18: Wrath

56.5K 1.7K 95
                                    

SAVE your explanation. I don't need any of it.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong natulala sa kanyang mensahe. Pakiramdam ko dinudurog nang paunti-unti ang aking dibdib. Tila bawat butil ng luha ko ay may katumbas na isang tusok sa puso ko.

Kaya ba niya ako pinapunta rito para ipakita sa'kin 'to lahat?

Ang sakit. Napakasakit. Iyong tipong pilit kang kumakapit kahit nasa bingit ka ng bangin pero nahulog ka pa rin. Bakit kailangang mangyari pa ito sa'kin? Bakit kailangan ko pang masaktan nang ganito? Yumuko ako para hindi mahalata ng ibang umiiyak ako.

Napangiti ako nang mapait sa gitna ng pagluha. Parang naiintindihan ko na kung bakit niya ako pinapunta rito. Dito kami unang nagkita. At siguro dito niya rin tinatapos ang lahat sa'min. Kung maituturing ngang relasyon 'yon. The thing is, he's ending something that hasn't started yet. Pakiramdam ko natalo ako sa isang laro na hindi pa man nasisimulan.

Napagdesisyunan kong umalis na lang. Pagtayo ko ay saka ko lang napansing sinalo pala ng disposable cup na wala nang lamang sundae ang lahat ng luha ko.

Nakayuko akong lumabas ng fastfood bitbit ang envelop na may lamang pictures. I know I look foolish right now. Tila naglalakad lang ako na hiwalay ang utak ko sa katawan.

What am I going to do now?

Kung maibabalik ko lang sana ang oras, hinding-hindi ko gagawin ang mga pagkakamali ko. Kung sakali kayang hindi nangyari ang lahat ng iyon masaya kami ngayon?

Kailangan ko siyang makausap. Naniniwala akong lahat ng problema ay nadadala sa usapan. Maybe I should tell him the truth. Pati na rin ang sinabi ni Donya Divina.

Agad akong bumalik ng condominium nang ma-trace ko ang location niya. This time I'm going to tell him everything he needs to know.

Tatlong beses akong nag-door bell pero hindi bumukas ang pinto ng unit niya. Nag-aalangan akong pumasok kahit alam ko naman ang pass code. Baka lalo siyang magalit sa'kin. If I have to wait, it won't matter to me as long as I'll get the chance to talk to him.

Sampung minuto. Dalawampung minuto. Napabuntong hininga ako at pinahid ang aking mga luha. Wala ba siyang planong lumabas?

Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa umabot isa at naging dalawang oras. And when the door finally opened, I froze.

Nagkatitigan lang kami at walang ni isang nagsalita. Hindi ko rin mawari kung ano ang nararamdaman niya. His eyes are emotionless. Nataranta lang ako nang akmang lalagpasan niya na ako kaya agad ko siyang hinawakan sa braso.

"P-Pangga!" Ngunit isang malamig na tingin lang ang ipinukol niya sa'kin.

"Pangga, let me explain, please?"

"Pangga, hindi 'yon totoo. P-pinilit niya ako." Pinukol niya ako ng isang mapang-uyam na ngiti.

"I already told you, I don't need your explanation anymore. Leave me alone." Umiling ako at hinigpitan ang paghawak sa kanyang braso.

"Hindi! Kailangan mong malaman na ako ang biktima rito, Pangga! Wala akong kasalanan. He blackmailed me! Walang katotohanan ang kung anumang iniisip mo."

"At anong totoo, Reign? Anong totoo? Na lahat 'yon set up lang? Alin pa ba sa pagkatao mo ang hindi totoo?"

"P-Pangga, wala ka bang tiwala sa'kin?" Pumiyok ang boses ko sa sarili kong tanong. Ang sakit, sakit.

"Let me ask you the same question, Reign. Dapat ba kitang pagkatiwalaan?"

There. It hit me. It's all my fault from the very start. I just ruined everything, including his trust. Dahil lang sa isang kasinungalingan at paglilihim nawawala ang lahat sa'kin.

"Pangga, mahal kita! Mahal na mahal. Please maniwala ka naman. Wala akong kasalanan."

"Enough!" He hissed. Wala akong nagawa nang tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya.

"Pangga, huwag namang ganito. Hindi ko kaya! Ang sakit-sakit na."

"Don't act as if you're hurt when you didn't think twice before lying to me, bitch. Enough of your lies. I'm fed up. I'm telling you, you can't fool me," he said before leaving me dumbfounded.

Nanghina ako at napaupo ako sa sahig. He just called me bitch. Impit akong napaiyak. Pakiramdam ko dinudukot ang puso ko palabas sa aking dibdib. Hinihiling ko na sana isa lang itong masamang panaginip pero hindi. Ramdam ko ang sakit.

Dapat ko na bang pagsisihang nagmahal pa ako? Pero hindi. Kinapa ko ang aking dibdib ngunit wala akong nararamdamang ni katiting na pagsisisi. Loving him is beyond compare. He's the best among the best things that happened to me.

Napatingin ako sa hawak kong envelop. Walang anu-anong pinunit ko ang mga ito. Ito dahilan ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Ito ang dahilan kung bakit unti-unting nadudurog ang pagkatao ko.

Bakit gano'n lang kadali sa kanyang talikuran ako? Bakit ganun lang kadali sa kanyang paniwalaan ang mga nakita niya? Mahal nga ba niya talaga ako?

It feels like I don't deserve to be happy. Or maybe this isn't time for me to love? I don't know anymore. I don't even understand why destiny plays like this.

Pero wala sa bokabularyo ko ang sumuko. Chasing happiness means chasing your love. Kung akala gano'n lang ako kadaling sumuko. Hindi.

I composed myself and decided to follow him. Maggagabi na rin pala. Agad akong nag-abang taxi at tinahak ang kanyang lokasyon. Nagulat ako nang tumigil ang taxi sa harap ng isang bar.

"Dito na po ba 'yon, Kuya?"

"Opo, Ma'am." Agad kong ibinigay ang bayad sa taxi driver at kahit na-aalangan ako ay bumaba pa rin ako.

Maingay, mausok at sari-saring amoy ang bumungad sa'kin pagpasok ko pa lang. Nagpalinga-linga ako para hanapin si Pangga ngunit hirap akong makita siya. Pinagtitinginan rin ako ng ibang mga babae at nagbubulong-bulungan. Marahil ay nagtataka sila kung ano ang ginagawa ng isang tulad ko na nakasuot ng Filipiniana gown sa ganitong lugar.

Nasaan na kaya si Pangga? Hindi pa naman ako sanay sa ganitong lugar. Minsan lang ako dinala ni kambal sa bar na pagmamay-ari nila Tito Brent, isa sa mga kaibigan din ni Daddy.

"Hi, Miss. Nawawala ka ba?" Bigla akong natigilan nang may bumulong sa tenga ko kaya agad akong lumayo. Nakangisi ang lalaki habang sinusuri ang aking kabuuan.

"Not bad," an'ya at dinilaan ang kanyang labi kaya bigla akong kinutuban nang masama.

"Excuse me?" Tinarayanko siya pero nagulat ako nang bigla niya akong hinila sa palapulsuhan.

"I am really interested with you, Miss." Nilukob ng kaba ang aking dibdib. Naaamoy ko pa ang mabaho niyang hininga na kasing amoy ng sigarilyo. Sinubukan kong magpumiglas sa kanyang hawak ngunit masyado iyong mahigpit.

Napasinghap na lamang ako nang bigla na lamang siyang bumulagta sa sahig at may humatak sa'kin palabas ng bar.

It's Bryce.

Mabilis ang kanyang bawat hakbang at halos magkandapa-dapa na ako. Hingal na hingal siyang isinandal ako sa gilid ng kanyang sasakyan.

"What are you up to?" madiin niyang tanong.

"G-gusto lang naman kitang makausap kaya kita sinundan." Tumawa siya nang mapakla.

"Tapos na tayong mag-usap at wala tayong dapat pag-usapan. Now, young woman, I want you to stay out of my sight."

Kumirot ang aking dibdib ngunit matapang kong sinalubong ang kanyang tingin.

"L-let's talk about us, Pangga. Maaayos pa naman 'to di ba?" I sound desperate but I don't care. Nasaktan ko siya nang dahil sa pagkakamali ko.

Ngunit para akong binuhusan ng nagye-yelong tubig sa kanyang itinugon. Parang milyun-milyong aspile ang itinarak sa aking dibdib.

"Cut it out, Gold Reign. Us? Walang tayo. Alam mo 'yan. You just assumed."

-GREATFAIRY

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon