TSL 1: Jollibee

142K 3.1K 448
                                    

◈GOLD◈

"Waah! I-iniwan na niya ako *huk*... Pinagpalit *huk* na niya ako sa iba!"

"Hayaan mo na 'yon bakla. He doesn't deserve your tears. Naku! Kung makikita ko talaga ang ex mong 'yon, dudukutin ko ang mga eyeballs niya!"

Halos mabingi ako sa kakangawa ng babae sa katabi kong puwesto na inaalo ng kanyang kaibigan. Mukhang mga teenager pa ang mga ito dahil naka-school uniform pa.

Seriously?! Hindi ba niya nahahalatang kanina pa nakatingin sa kanya mga tao dito sa food court ng mall?

"M-mahal na *huk* mahal ko pa rin siya *huk* bakla!"

"Hay naku bakla! Marami pang lalaki sa mundo! Kalimutan mo na ang ex mong walang kuwenta, okay?"

Umikot ang aking mga mata at inubos ang chocolate frappe ko. Wala naman pala akong mapapala dito. Akala ko pa naman makikita ko na si Mr. Right ko dito. Makaalis na nga dito.

Napatingin ulit ako sa babae na walang tigil sa kaiiyak. Halos kasintaas na ng Mt. Apo ang nakatangkas na tissue sa kanyang harapan.

Yung totoo? Bakit niya iniiyakan ang taong ayaw na sa kanya?

"Hindi bakla, magmamakaawa ako sa kanya. *huk* Sasabihin ko sa kanya na mahal na mahal ko siya *huk* at hindi ko kayang mawala siya sa'kin."

Nagpanting ang ko tenga sa aking narinig. Kaya naman hindi ko na talaga napigilan ang sarili kong lapitan siya.

Bahagya pa akong napadaing dahil hinampas ko nang pagkalakas-lakas ang mesa dahilan para mapatayo silang dalawa ng kaibigan niya.

"Alam mo, ang OA mo! Iniwan ka lang ng lalaki magpapaka-martyr ka na! Aba te! Maawa ka naman sa mga lahi nating mga babae! Pinagmumukha mong kawawa. Pasalamat ka nga nagkaroon ka na ng EX! Eh ako? Wala! Wala! Wala  pa akong EX!" malakas na bulyaw ko at nagwalk out. Naiwan naman silang dalawa na nakanganga. Bigla ring tumahimik ang buong paligid.

Ang sabi ni Ate Nisyel hindi daw dapat ako nagpapa-istress pero mukhang nangyari na nga. Naisipan ko nalang dumiretso sa department store para magliwaliw. Baka sakaling doon ko pa matatagpuan ang future boyfriend ko.

Ano kaya ang feeling na may boyfriend?

Kailan kaya ako makaka-graduate sa pagiging NBSB?

Hayy...

Makabili nga ng bagong mga damit.

Napatigil ako sa paglalakad sa gitna ng department store nang biglang mag-ring ang aking cellphone.

Ate Nisyel calling....

"Hello? Ate?"

[Hello? Ang sabi ni Mommy nasa mall ka ngayon. Pabili naman ako sa Jollibee. Please?]

"Bakit? Ano ba ipapabili mo ate?"

[Dalawang chickenjoy na thigh part, spaghetti, dalawang yum burger na may mushroom,  isang garlic pepper beef, isang coke float, isang sundae at extra large fries... Thank you dyosa kong hipag! Hehe...]

"'Yon lang ba ate? Sabihin mo lang kung bibilhin ko nalang yung buong Jollibee ah?"

[Talaga? Gagawin mo 'yon?]

"A-ah... joke lang ate! Kay Kuya mo nalang sabihin, mas marami ang datong 'non."

[Ganun ba? Okay ba, sasabihin ko sa kanya mamaya pagdating niya. Basta yung bilin ko ha?]

"Oo na ate, bibilhin ko na at idadaan. Bye na."

[Ingat hipag! Bilisan mo ha? Bye...]

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon