TSL 20: No One Else

60.7K 1.7K 61
                                    

"H-HINDI niya raw ako minahal, A-ate. Attracted lang daw siya sa'kin noon."

Napahagulgol ako sa harap nina Ate Nisyel at Besh. Pagkatapos ko kasing umiyak nang magdamag ay niyaya ko silang lumabas at kumain. Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari kahapon.

"Sige lang, Besh, ilabas mo lang 'yan. Mawawala rin ang sakit at lilipas din 'yang nararamdaman mo." Puno ng simpatya na wika ni Lucy at hinagod ang aking likod. Lalong tumulo ang aking mga luha. Tama si Besh, lilipas din 'to. Mapapagod ding umiyak ang mga mata ko. At sa pagkakataong iyon ay siguradong tanggap ko na ang lahat. Makakalimutan ko rin siya.

"Tahan na, Goldie. Huwag ka nang umiyak. Ang pangit, pangit mo na. Mukha ka nang biik na hindi pinapakain ng dalawang linggo. Ang sagwa mo ring umiyak, nakakasakit sa tenga. Ito oh, flavored fries. Sa'yo na 'yan basta tumahan ka na."

Bigla ako natigilan sa sinabi ni ate Nisyel kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa'kin.

"P-pangit na 'ko?"

Nanlumo ako nang dahan-dahan siyang tumango. Mabilis kong pinahid ang aking mga luha at sumandal sa upuan. Dumaan ang pamilyar na kirot sa aking dibdib. Kaya siguro hindi na uli ako tinanggap ni Bryce kasi ang pangit ko na.

"Maganda ka pa rin kahit umiiyak ka, Besh. Kaya kung ako sa'yo huwag mong kimkimin ang sakit. Hindi ka makakapag-move on pag hindi mo nilabas 'yan lahat." Wika ni Besh Lucy.

"Alam mo, Goldie hindi gano'n 'yon. Huwag ka nang umiyak, nagmumukha kang bibe. 'Tsaka bakit mo ba iniiyakan 'yong Pangga mong 'yon. Hindi pa naman 'yon patay, di ba?"

Napasimangot na lamang ako sa kanilang dalawa. Seriously?! Ang tino nilang kausap. Lalo lang yatang sumasakit ang dibdib ko sa kanilang dalawa.

"Hindi kayo nakakatulong sa'kin!" Kinuha ko ang extra large fries at pinapak.

"Totoo naman ang sinabi ko, ah! 'Tsaka bakit nga pala dito mo naisipang pumunta, Goldie? Pinagtitinginan tuloy tayo ng iba."

Napatingin naman ako sa paligid. Totoo nga. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Uwi na tayo." Tumayo ako at inalalayan ding tumayo si Ate Nisyel. Malaki na talaga ang tiyan niya kaya kailangang ingatan siya kundi lagot ako kay Kuya Skeet.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong fastfood. Sumagi sa utak ko ang lahat ng nangyari few months ago.

Dito nagsimula ang lahat kaya dapat ay dito ko rin tapusin ang mga iyon. Iiwan ko ang mga alalang nabuo sa lugar na ito. Pinikit ko ang aking mga mata.

"Tara na."

Umalis kami sa lugar na iyon na may bigat sa puso ko. Pero pinapangako ko na sa muli kong pagbabalik dito ay hindi na ako iiyak. Hindi ko na maalala ang lahat.

Ayokong bumalik sa lugar na iyon na basag pa rin ako. Dahil ang bawat sulok ng fastfood na iyon ay nagpapaalala ng mga bagay na pumipiga sa aking dibdbib.

Oo, masakit. Napakasakit isiping parang bulang nawala sa'kin ang pinakamamahal ko. Maybe they're right, kung ayaw sa'yo hayaan mo. Dahil pag mahal ka niya hindi ka niya basta-bastang isusuko.

Possessiveness? Napatawa ako nang mapakla sa isip ko. Ideya lang 'yon. Walang katuturan. Tulad ng sabi ng karamihan, ang pag-ibig parang buhangin. The tightier your grip on it, the more it spills. Pero 'pag hinayaan mo lang sa palad mo, it will stay.

Maybe that's one of the reasons why he left me that easy. Nakakasakal siguro ako magmahal. Or maybe he really didn't love me like what he said. The thought of it shatters my heart into pieces.

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon