TSL 12: Party

63.7K 1.6K 166
                                    

"SORRY na, Pangga. Hindi ko naman alam na binibiro lang pala ako ni Xanley eh."

"You could have asked me instead. Alam mo namang maloko ang batang 'yon."

"Hindi ko nga alam na niloloko lang niya ako. Ang ulyanin mo naman, Pangga!"

"What do you want me to do then? Nanay is so pissed. Hindi siya nakikinig when I tried to explain everything to her."

"Eh di sana sinabi mong niloko lang ang ako ng pamangkin mo."

"Xanley already explained. He said he was just joking, naniwala ka naman kasi agad."

Napabuntong hininga na lamang ako. Umuwi kasi muna kami dito ni Besh sa kanilang bahay pagkatapos ng pangyayari. Pero hindi nagtagal ay dumating si Pangga na mukhang asar na asar.

"Alam mo Pangga ang gusto kong tirisin ang pamangkin mong 'yon. Kainis! Nag ka bad image tuloy ako sa lola mo."

"I'll try to talk to her again. Makikinig din 'yon kapag lumamig na ang ulo. Ganun naman talaga si Nanay. Ang hirap kausapin pag mainit ang ulo."

"Salamat, Pangga!" Ngumiti ako at niyakap siya. Buti na lang nasungkit ko na 'tong pusong batong probinsyano na 'to. Kung minalas eh dalawa pa sana sila ng lola niya ang liligawan ko.

"May party na gaganapin sa mansyon bukas. We will talk together to Nanay. Susunduin kita dito, okay?" Tumango ako at lalong isinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib. Ang bango talaga!

"Okay na okay, Pangga! Ang bango mo!" Tumawa siya nang mahina at naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

"UK." aniya. Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Humiwalay ako sa yakap at tumingala sa kanya.

"UK? What do you mean, Pangga?"

"UK..." He paused then looked at me again. "UK--- Uyab ko."

Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang itinugon kaya agad ko siyang niyugyog sa magkabilang braso. Hindi man lang natinag. Tsk!

"Pakiulit nga ng sinabi mo, Pangga!"

"What?" His brows creased.

"Yung sinabi mong Uyab ko. Endearment ba 'yon? What does it mean?"

"My woman." He said and pinched me in the both sides of my cheeks. Pakiramdam ko tuloy biglang nagjelly ace ang aking mga tuhod lalo na nang ngumiti siya.

"Eeeeh! Froglet na desperate! Kinikilig ako Pangga! Puwede pakiulit? Ang sarap pakinggan. Akalain mo 'yon?! May endearment ka na sa'kin! Lumi-level up na talaga ang status natin!" Tumawa lang ulit siya at kinulong ako sa kanyang braso. Grabe! Kung nananaginip lang ako ngayon, babalatan ko nang buhay ang sinumang gigising sa'kin!

"I-i love you, Pangga." Ngumiti ako at muli niya akong hinawakan sa pisngi.

"I'm almost there, UK. Almost there."

I grinned. Almost there is way better than will never be there.

***

"UMAMIN ka nga, Besh. Ano'ng real score sa inyo ni Bryce? Ano? Sinagot ka na ba niya?" Natigilan ako sa pagsusuklay ng aking buhok nang bigla akong tanungin ni Lucicar.

"Nililigawan niya ako, Besh." Napangisi ako na parang Ursula nang maalala ko ang mukha ni Pangga.

"Ano?!" Di-makapaniwalang tugon niya.

"Oh? Bakit parang gulat ka?"

"Huwag mo akong utuin, Goldie! Alam nating pareho na kinasusuklaman ka ni Bryce. Tapos ngayon sasabihin mong nililigawan ka niya! You are obviously imagin---"

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon