TSL 8: Traditional

70.9K 2.1K 201
                                    

"BECAUSE it's my job to woo you."

"Waah! Totoo ba 'yong narinig ko Pangga?!" 'di-makapaniwalang tanong ko at sinundan siya. Bigla na lang niya kasi akong iniwan na nakanganga na parang tanga.

"Pangga!" Niyakap ko siya mula sa likod nang maabutan ko siya. Naramdaman kong bahagya siyang nanigas pero bigla niya na lang din akong inihiwalay sa kanyang katawan. Humarap siya sa'kin na mukhang asar na asar.

"Puwede ba, ha?! Tigilan mo na ang pagbubuntot mo sa'kin?! Para kang linta!" gigil na wika niya at napahilamos ng kanyang mukha.

"Puwede ba?! Pansinin mo na ako?! Para kang bato na nagkatawang tao!" gigil kong sagot. Kainis. Ang manhid-manhid niya talaga kahit kailan.

"Damn!"

"Totoo ba 'yong sinabi mo, Pangga? Gusto mo akong ligawan?" tanong ko at hahawakan na sana siya sa kanyang braso pero tinabig niya agad ang kamay ko.

"Ligawan?" Aniya at ngumisi. "Nagpapatawa ka ba? You are hallucinating. I will never woo someone like you." Napasimangot ako sa kanyang sinabi.

"Huwag mo akong gawing bingi, Pangga! Dinig na dinig ko kaya ang sinabi mo!"

"Enough!" Napaatras ako nang makitang mukhang galit na galit na si Pangga. Nasagad ko na yata ang pasensya niya.

"Napupuno na ako sa'yo kaya puwede ba? Lubayan mo na ako? Wala kang mapapala sa'kin. I will never get interested with a random girl who loves to chase a fish in the sea," aniya at tuluyan akong iniwan. Infairness nakakawindang ang sinabi niya ha. Tumagos yata sa hypothalamus gland ko.

Pero... hindi ako susuko. It's too early for me to give up. Sooner or later he will realize my worth. He will realize that he needs me.

Wala akong balak na tigilan siya. Wala din akong pakialam kung stalker ang paningin niya sa'kin. Lahat ng relasyon ay nag-umpisa sa pangkaraniwan at di-pangkaraniwang pangyayari. Nagkataon lang na ako ang unang nakarealize na para kami sa isa't isa. Every love story is both cliché and unique. Cliché kasi darating ang araw na mamahalin niya ako at unique kasi sa hindi inaasahang pagkakataon kami nagkatagpo.

Maraming nagsasabi na ang panahon ngayon ay malayong-malayo sa sinaunang panahon. Ang mga babae raw ay dalagang Pilipina. I have nothing against it. Pero sa panahon ngayon hindi na uso ang pa-demure kasi maiiwan ka. Bakit mo pa hihintaying ligawan ka ng lalaking gusto mo kung kaya mo namang gawin? Paano kung naghihintay ka lang pala sa wala at sa huli ay magsisisi ka kasi nabingwit na siya ng iba?

Bakit kasi naimbento pa ang ideya na ang lalaki dapat ang nanliligaw sa babae? Ang mga lalaki lang ba ang may karapatang ipahayag ang nararamdaman? Paano naman kung hindi gusto ng babae ang nanliligaw sa kanya at binasted niya? Sa huli sisisihin ang babae kasi manhid.

Walang perpektong pag-iibigan sa mundo. Lahat ng magkaibigan, magjowa, at maging mag-asawa ay may kanya-kanyang istorya. Hindi lahat ng love story nagsisimula sa mala-cinderella o sa kung ano pa mang pantasya. In other words, walang perpektong relasyon.

Perfection is merely an idea. The problem is we all wish for it. We are wishing for an ideal and perfect man or woman. We are wishing for a perfect relationship that started from the most perfect time and place. Ironically, we get the total opposite.

Kaya bakit ko susukuan si Pangga? Opportunity knocks but once, sabi nga nila. Kaya hinding-hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba.

"Ano na naman ang pumasok sa utak mo at naisipan mong sumama sa'kin sa Negros?" Natigilan ako sa pag-e-extempo ko sa aking utak nang magtanong si Lucicar. Kasalukuyang kaming lulan ng taxi papuntang airport.

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon