TSL 30: Finale

84.7K 1.8K 91
                                    

 "I WANT everything done as soon as possible. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes, Sir!"

"Now, everybody go back to work. Move. Move. Move."

I smiled and checked my wristwatch. Malapit nang mag-alas singko ng hapon. Kailangan ko na palang umuwi. I'm sure nandun na naman sa unit ko si Reign.

It's been one week after we reconciled, and I'm so happy. Kahit palagi niya akong inaapi ay ayos lang. Basta ang mahalaga pag-aari ko na ulit siya. I want to be with her legally pero nang kinausap ko ang tatay niya kahapon parang kinakabahan ako na anumang oras ay maaari siyang maagaw ng iba sa'kin.

"My daughter is too young, Villaceran. She's only turning 23, and she's not prepared yet. Marami pa siyang puwedeng matutunan tungkol sa buhay. Let her explore herself first before she settle down. Remember this, papayag lang akong pakasalan mo once she turned 25."

Sa susunod na linggo na ang kaarawan niya kaya pinaghahandaan ko talaga. Ang problema, maghihintay pa pala ako ng mahigit dalawang taon para makasama nang legal.

I excitedly went home fast. At tama nga ang hinala ko. Nandito na naman siya sa unit ko. Nakahiga siya sa couch habang nagbabasa sa kanyang cellphone.

Wattpad na naman 'yan.

Lumapit ako sa kanyang at akma nang hahalikan siya ngunit tinulak niya ako, kaya napaupo ako sa sahig.

"I told you, Pangga. Hindi puwede 'yang iniisip mo!" sabi niyang hindi nakatingin sa'kin.

"UK--- I mean, please?"

"Ayoko!"

"UK, isa lang talaga promise."

"Ayoko nga e! Style mo bulok! Alam ko na 'yan! Kunwari isa lang pero masusundan pa. Ako pa lokohin mo! Neknek mo!"

"UK naman, ang damot mo. Hindi ka na naawa sa'kin."

"Ewan ko sa'yo! Basta ayoko!"

Nakakabaliw! Ilang araw na akong kaming ganito. Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa kanya.

"UK, kahit isa lang talaga, promise!"

"E kung kamao ko kaya ang sasalubong sa'yo. Payag ka?"

"UK naman, miss na miss na miss na talaga kita." Pinandilatan niya ako ng kanyang mata.

"Walang ganyanan hangga't walang I do's. Huwag mo akong utuin. So, it's a no."

"Pa'no na 'yan? Dalawang taon ako magtitiis?" I hissed. Pero ayoko naman siyang pilitin, baka sipain pa ako palabas ng planeta. Mahirap na.

"So, kamusta ang pagtuturo mo kaninang umaga? I'm sorry, hindi na kita nasundo, UK. Biglaan kasing dumating 'yong Thai investor ng negosyo." I asked. Pero hindi niya ako sinagot. Nakatutok lang sa cellphone niya ang kanyang mga mata.

"UK." I called out but she ignored me. Magbasa na lang din kaya ako ng Wattpad para pansinin niya ako?

"Reign." Nilagyan ko ng diin ang boses ko pero hindi man lang siya natinag. Sa sobrang inis ko ay hinablot ko ang cellphone niya.

"Waah! Ibalik mo 'yan!" Sigaw niya at pinagsasabunutan ako.

"Enough, Reign! Ganito na lang ba tayo palagi? Hanggang kailan mo'ko titiisin? Manglilimos na lang ba ako palagi ng atensyon mo?! " Inis kong iniwas ang tingin ko nang magsimulang magtubig ang kanyang mga mata. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa kanya noon, pero tama bang tratuhin niya ako ng ganito? Na parang hangin lang ako sa paningin niya?

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon