"MISS, KUKUNIN ko'to lahat. Paki-assist naman ako sa counter. Thank you," wika ko sa saleslady. Dalawang dosena ang pinili kong Filipiniana gown na iba't ibang disenyo at kulay.
"This way, Ma'am, please..." Tumango ako at sinundan ang saleslady sa counter para makapagbayad.
Pansin kong nagkakatinginan ang cashier at ang isa pang saleslady na parang natatawa at nagbubulungan kaya pareho ko silang tiningnan nang masama.
Mga tsismosang butiki!
"Ikaw!" duro ko sa saleslady. "At ikaw!" duro ko sa cashier." Gusto n'yo bang dukutin ko ang mga eyeballs n'yo at ibenta sa kanto? Ano?!"
Pareho naman silang natahimik at itinuon ang atensyon sa trabaho. Hay naku! Ang dami talaga ng pakialamera sa mundo! Paki ba nila sa trip ko sa buhay?!
"C-cash po ba kayo, Ma'am?" ani ng cashier. Takot din pala. Kung makatingin kanina akala mo kung sino. Porke ba bumibili ako ng Filipiniana, old-fashioned na ako?
"No."
"C-credit card po?" aniya ulit.
"No."
"A-a-ah...E-e-eh..." I smirked when she stuttered. Ibinagsak ko ang isang debit card sa kanyang harapan.
"Marunong na ako ng vowels, Miss. Hindi mo na ako kailangang turuan." Ngumiti ako. Napayuko naman siya. Loser.
Simple lang naman ang buhay, eh. Mayaman ka man o mahirap, panget ka man o maganda, pandak ka man o matangkad, shunga ka man o tanga, pare-pareho tayong lahat na humihinga. Pareho tayong lahat na kumakain ng kanin at umiinom ng tubig. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ang dami pa ring mahilig mangialam ng trip ng iba. Akala ko ba democratic country ang Pilipinas. This is what I want! Inaano ko ba sila?!
Isang irap muna ang ibinigay ko sa kanila bago lumabas ng mall. Kung gugustuhin ko lang ay puwede ko silang sisantihin. Hindi yata sila informed na anak ako ng may-ari ng mall na 'yon. Sabagay, hindi nga naman ako mahilig ipangalandakan sa iba na anak-mayaman ako. Mommy always remind me to stay simple and humble.
Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang dalawa kong kamay. Bakit ko ba ini-istress ang sarili ko sa kanila? Tsk!
Nag-taxi lang ako pabalik ng condo. Wala kasi akong sariling sasakyan dahil hindi naman ako marunong magdrive. Ilang beses na nga ako nag-enroll sa driving lessons pero hindi ko talaga makuha. Ang sabi naman ni daddy mabuti nga na hindi ako marunong magdrive para ligtas ako. Baka daw kasi maaksidente pa ako. Tss.
Isang silk na gray Filipiniana dress ang pinili kong isinuot. May kasama rin itong shawl na ipinatong ko sa aking balikat. Ipinusod ko na parang ensaymada ang aking buhok para magmukha akong pormal sa paningin ni pangga.
Bakit ba hindi ko agad naisip na probinsyano pala si pangga? Obviously, kakaiba ang taste niya sa mga babae. Kahit ilang linggo ko palang siya nakilala, I can feel the spark. Ramdam na ramdam ko na siya na talaga. Ang sabi kasi ni daddy bumilis ang tibok ng puso niya noong una niyang makita si mommy. Hindi naman ako istupida pagdating sa pag-ibig, 'no. Nasaksihan ko kung gaano kabaliw si daddy kay mommy at ganoon din si kuya Skeet kay ate Nisyel.
Nasa lahi na yata naming mga Mijares ang pagiging baliw sa pag-ibig. At gagawin ko ang lahat para magkatuluyan kami ni pangga.
Muli kong tiningnan sa salamin ang aking repleksyon at nang makontento na ako ay kinuha ko ang pamaypay na abuhin din ang kulay at may burda. Perfect! Mukha na talaga akong Maria Clara. Tingnan lang natin kung hindi malalaglag ang panga ni Pangga pag makita niya ako!
BINABASA MO ANG
The Scorned Lover
ChickLitNow a published book under Lifebooks. Available in bookstores nationwide! It takes a second to read the word, love-- but it takes a lifetime to understand its meaning. Cover by Coverymyst. ❤❤❤ ©2016 by greatfairy.