TSL 27: Dream

67.5K 1.7K 170
                                    

NAHANAP na niya ang totoong makakapagpasaya sa kanya. At hindi sa piling ko 'yon. Sobrang sakit ngunit may karapatan ba akong masaktan? I've been lonely for five years. Hinahanap-hanap ng puso ko ang mga sandaling masaya kami at ang mga sandaling abot-kamay ko siya.

Kung hindi kami nagkaproblema hahantong pa rin kaya siya sa ganito? Would we end up together? Maraming katanungan sa isip ko. Ngunit hindi ko mahanap-hanap sa sarili ko ang sagot.

I-untog ko man nang paulit-ulit ang ulo ko sa pader ay hindi ko na siya mababawi pa. Should I be happy now? But how can I make myself whole if half of me is with her? How?

Gold Reign... Bakit mo pa ako pina-ibig sa'yo kung iiwan mo lang pala ako sa ere?

Sana hindi na lang kita pinansin noon. Sana hindi ko na lang tiningnan ang mga mata mo. Sana pinigilan ko ang sarili kong mahulog sa bawat ngiti mo. Sana hindi na lang kita minahal...

Patawarin sana ako ng Diyos sa mga naiisip ko pero mali bang sisihin ko ang pagkakataon? Kung iiyak ba ako magdamag babalik ang lahat sa---

"Bryce! Bryce! Bryce, wake up!"

"Uncle Bryce, gising! Mommy, bakit kaya siya umiiyak habang natutulog? Siguro napapanaginipan niya si Valak kaya takot na takot siya."

"Bryce! Wake up! What's happening to you?"

"Uncle Bryce! Gumising ka na po! Hindi ka pa puwedeng mamatay sa bangungot! Hahanapin pa natin si miss beautiful! Magpapalibre pa ako sa kanya! Uncle wake up na po!!!"

"Reign!"

Napabalikwas ako ng bangon ngunit agad kong sinapo ang ulo ko nang bigla itong sumakit. Hangover sucks!

"Ayos ka lang? Ito, inumin mo muna 'tong tubig." Dire-diretso akong uminom sa isang baso iniabot ni Ate Bridgette.

"Uncle, hinabol ka ba ni Valak sa panaginip mo kaya ka umiiyak?" Xanley asked while staring at me intently. Then everything registered in my mind. Si Reign.

"Panaginip? Ibig sabihin hindi totoo 'yon? Hindi totoong naging madre si Reign?" My heart beats fast.

"Madre? Si Reign, madre?" They laughed in unison, na parang isa akong nawawalang baliw sa kanilang paningin.

"Ha-ha-ha-ha-ha. Ang weird naman ng panaginip n'yo, Uncle."

"Ayan kasi pinakyaw mo lahat ng alak. Kanina ka pa namin ginigising ni Xanley. Nakatulog ka dito sa sahig. Umiiyak ka habang tinatawag ang pangalan ni Gold. You're having a nightmare. God! Ayusin mo naman ang buhay mo, Bryce! Huwag puro inom ang atupagin mo!" Sermon ni Ate Bridgette na nakapamaywang.

I checked myself. Wala akong sugat sa kamay. Tiningnan ko rin si Xanley. Hindi siya lumaki gaya ng sa panaginip ko. Ibig sabihin hindi totoo lahat ng 'yon. It was just nightmare! Pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Paano kung sign pala 'yon? No. Ayoko. Hindi ako papayag.

Kahit masakit pa ang ulo ko ay dire-diretso akong tumayo at tumakbo palabas ng pinto. I really need to see her.

"Uncle Bryce!"

"Bryce! Saan ka pupunta? Bumalik ka dito! Bryce!"

Narinig ko pa ang pagtawag ni Ate Bridgette at Xanley pero hindi ko sila nilingon. Ang lakas, lakas ng tibok ng puso ko. I immediately started the engine the moment I entered the car. Nakita kong hinabol pa ako ng dalawa at may sinasabi pero hindi ko sila pinansin.

Kailangan ko siyang makausap. Bahala na. Lulunukin ko lahat ng galit niya sa'kin. Kung kaikangan kong magmakaawa sa harap niya para mapatawad niya ako, gagawin ko. Kahit ipagtabuyan niya ako nang paulit-ulit hindi ako titigil.

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon