TSL 6: Date

70K 1.8K 100
                                    

 "WHAT are you doing here?! And how the hell did you get here?" Lumilitid ang ugat nito sa leeg. Hindi ko tuloy alam kung lalabas ako o aalis.

"A-a-ah... Hehe... Pangga, maghugas ka muna bago ko sagutin ang tanong mo at paki-flush na rin muna ng bowl--"

"Damn! You'll be the death of me!"

Na-realized niya sigurong nakahubad kaya dali-dali siyang umupo muli sa bowl. Hindi siya magkandaugaga sa pagtakip ng kanyang sarili. Bakit pa niya tinatatakpan? Ilang beses ko na yatang nakita 'yan.

"Get out!" Katakot!

"Grabe ka naman, Pangga. Ayaw mo bang i-cheer kita? Tsaka, kanina pa kaya kita pinapanood--"

"Aalis ka ba o sisipain kita palabas?! Hindi na ako natutuwa!" banta niya na may kasamang matalim na tingin. Sana pala hindi na lang muna ako nagpakita.

"Ito naman. Bakit ang init ng ulo mo sa'kin? Tutulungan pa naman sana kitang maghugas ng--"

"Arrgh!" Napasabunot siya sa kanyang buhok sa sobrang inis. Siya pa ang may ganang mainis? Ako nga ang dapat mainis kasi ako ang babae pero ako pa ang gumagawa ng paraan para matupad ang nakatadhana sa aming dalawa.

"Get out or else--!"

"Ayan, aalis na nga! Ang KJ mo naman, Pangga! Hmp!"

Nakasimangot akong lumabas ng kanyang banyo. Umupo na lamang ako sa couch. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Kumaway rin ako sa camera malapit sa pinakasulok ng kisame. Hindi nga halata kasi pinakulayan ko rin ng puti tulad ng sa kisame.

Napansin kong puro puti ang kagamitan dito. Pati ang mga damit sa loob ng kanyang closet ay halos puro puti. Kakaunti lamang ang mga di-kolor. Weird. Si Kuya Skeet kasi mahilig sa blue at si kambal naman mahilig sa black.

Bading ba si Pangga? Parang malabo naman. Lalaking-lalaki naman siya kung tingnan. Aish! Ano ba 'tong naiisip ko? Bakit ko ba pinagdududahan ang kasarian ni Pangga, my loves?

"You have only twenty seconds to explain how you got inside my unit, woman!" Napapitlag ako nang bigla na lang nagsalita si Pangga. Nakalabas na pala siya ng banyo.

"Grabe naman! Twenty seconds lang? Hindi ba puwedeng twenty minutes--"

"One, two--"

"Hindi ba obvious, Pangga?! Siyempre dumaan ako sa pinto."

"Huwag mong sagarin ang pasensya ko!" Napaatras ako sa sindak. Mukhang mapapasubo yata ang kagandahan ko. Asar na asar ang kanyang mukha at parang gusto niya akong ibitin patiwarik.

"Totoo naman, ah!"

Lalo akong napaatras nang bigla siyang lumapit sa'kin at hinawakan ako sa panga.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Paano ka nakapasok dito? Magsabi ka ng totoo!"

"Oo na, oo na. Sasabihin ko na." Binitawan niya naman ako at humalikipkip sa aking harapan.

"Paano ka nakapasok dito? Paano mo nalaman ang code ng pinto?"

"Siyempre, sinilip kita nung minsan. Ikaw kasi Pangga, tatanga tanga ka. Alam mo namang may nanood sa'yo, hindi mo man lang tinakpan habang pumipindot-pindot ka." Napaawang ang kanyang mga bibig at hindi makapaniwalang tiningnan ako.

"You're unbelievable!" Napailing siya at frustrated na nakatingin sa'kin.

"Kailan ka ba talaga titigil, ha?!"

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon