TSL 28: Boyfriend

70.4K 1.7K 81
                                    

"I'M SORRY, apo. Hindi ko muna inisip na masasaktan pala kita dahil sa ginawa ko. Ang akala ko kasi makakabuti sa'yo ang ginawa ko."

Bumuntong-hininga ako habang nakatingin kay Nanay Divina. Abala ako sa paghahanda ng mga kakailanganin ko sa pamamanhikan sa pamilya ni Reign nang bigla siyang sumulpot dito sa opisina ko.

"Alam mo kung kanino ka dapat humingi ng sorry, Nay."

"I already did, Apo. N-nagkita kami at nagkausap ni Gold." I paused and tilted my head.

"N-nagkausap kayo? How? When?"

"Actually, kagagaling ko lang sa school na pinagtuturuan niya. Hindi ko akalaing mabait pala siyang bata."

"Nagtuturo?"

"Yes, Apo. Hindi mo ba alam 'yon? Some sort of religion teaching---ah, she's a catechist!"

"S-She is?" I was literally surprised with the news.

"Yes. Wait-- You really don't know about it? Sabagay, kahit ako nga nagulat din. She's a wonderful woman, Apo! Kaya nga nagsisisi ako na hinusgahan ko agad siya. She's one of a kind."

I can't help but to smile. My woman really never fails to surprise me. Ano pa ba ang kayang gawin ng babaeng 'yon?

"Apo... Kung maaari sana, sasama ako sa pamamanhikan. Gusto ko rin kasing personal na humingi ng dispensa sa mga magulang niya."

"Sure, Nay. Matitiis ba naman kita?"

"Oh! Thank you, Apo! Kailangan ko na palang umalis. Magpapaganda pa ako. Bye!"

Napailing na lamang ako. Konting tiis na lang, babalik din sa dati ang lahat. I just hope she will never say no this time.

I realized I was too impulsive to propose a marriage to her despite our unsettled issues. I understood her rejection of my first proposal. It was my fault after all.

I decided to talk to her parents after that day. Noong una nagalit sila sa'kin pero nagmakaawa ako at humingi ng isang chance na patunayan ang sarili ko kanilang anak. And I'm thankful that they heard my pardon.

"We're giving you one last chance, Villaceran. Don't ever blow it away. Oras na saktan mo ulit ang anak namin, ako na mismo ang maglalayo sa kanya mula sa'yo. You know what I am capable of."

"Yes, Sir. Ang saktan siya ang pinakahuling bagay na gugustuhin ko. I love your daughter more than anything else."

It wasn't easy for me to convince them. Sino ba naman ako sa buhay ng anak nila? I'm just a mere lunatic lover of their princess who wasted those damn chances I am with her. I'm f*cked up.

From: Mom

Anak, papunta na kami ng Daddy mo. Sa bahay ng ate mo na lang kami tutuloy. Daanan mo na lang kami bukas ah?

Agad akong tumayo mula sa swivel chair ko pagkabasa ko ng text ni Mommy. They were more than excited to meet Reign's parents. They have been bragging about my status since last year. Gusto kasi nilang magkaapo ng babae kasi puro lalaki ang anak ni Ate Bridgette.

"Is everything set?" I asked Edmund when got out of my office. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa ganitong pagkakataon.

"Yes, Sir. Everything is ready para sa date n'yo ni Miss Reign. You can check the place kung may gusto pa kayong ipadagdag. Narito rin sa folder ang menu na ihahain."

"Thank you, Edmund. Maaasahan ka talaga." I tapped his shoulder and left. Kailangan ko pang maghanda para bukas.

Pagkatapos ng pamamanhikan namin ay yayayain ko siyang lumabas para kunwari mag-usap lang pero ang totoo ay para ma solo ko siya. At doon ko gagawin ang sorpresa ko para sa kanya. I will make her feel that she is not just a princess, but she is my queen.

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon