TSL 24: Gaze

62.8K 1.8K 76
                                    

I SHOOK my head in disbelief. Ibang klase! Sino ang mag-aakalang ganyan pala ang napangasawa niya.

"Ang OA mo talaga kahit kailan, Dee! Tiningnan ko lang naman kung totoo ang sinasabi ni Goldie na may six packs siya!"

"Stop it, or else uuwi tayo ng bahay."

"Sabi ko nga Dee. Tatahamik na. Pero sasabihin ko kay Goldie na hindi siya marunong magbilang. Four packs lang naman ang meron siya. Ang sabi niya six packs. Niloloko--"

"Tama na. Tama na 'yan. Anak, ang mabuti pa iwan muna natin sila ditong tatlo. Samahan mo na lang ako sa kusina." Singit ni Mrs. Mijares at hinatak ang buntis.

I never thought I would feel this way. I never thought this time would come, disappointment slowly eats me, and frustration thoroughly kills me. She has wonderful family. Naiintindihan ko na kung bakit ganun ang ugali niya. Nakakapangliit sa sarili na malamang ganito pala kasaya ang pamilyang kinalakhan niya. Almost perfect. Almost.

"Tss. What do you want?" Napaayos ako ng upo nang magsalita ang kuya niya.

"I'm here for your sister. Alam kong alam mo 'yon." Kung nakakamatay lang ang tingin malamang nakabulagta na ako sa sahig.

"I actually want to bury your body for hurting my sister, but I will spare your balls for now, Villaceran. If it's not because of my sister, pinaglalamayan ka na ngayon."

"I'm sorry--"

"We don't need your sorry, Villaceran. It doesn't make sense at all. Prove your worth for my sister."

"I'll do everything to win her back." He mocked at me. The signature devilish smile of Skeet Alvan Mijares.

"Good luck, Villaceran. Good luck."

I felt my heart beat fast when he smirked. Am I too late to win her back?

"W-where is she?"

"We won't tell anything to you, Villaceran. If you really love my daughter, go find her on your own. But I'll give you hint, wala siya dito sa bahay."

I stared at them unbelievably and shook my head. Nakakapikon pero kailangan kong tanggapin na kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko lang sana siya sinaktan, I wouldn't feel this anxiety.

"Thank you, Sir. I guess I need to go now. Thank you for entrusting your daughter to me. I promise I--"

"Never promise anything that is uncertain, man. Hindi mo pa nakikita ang anak ko. Baka pag makita mo siya bigla ka na lang mamatay sa pagsisisi. I'm telling you, she's a different person now."

I nodded and left. Do they really think I will give up that easily? No. They don't know what I am capable of. Kaya kong ubusin ang pera ko mahanap lang kita, Reign.

"Sir, naipa-reschedule ko na po lahat ng appointments ninyo. Akala ko kasi sabi n'yo dalawang linggo kayo mawawala." Napahilot ako ng sintido ko at hinarap ang sekretarya ko.

"It's okay, Marah. Hindi naman ako magtatagal. I want you to hire a private investigator as soon as possible. Ibigay mo ito lahat sa kanya at sabihin mong kailangan na kailangan ko ng impormasyon sa lalong madaling panahon. Nagkakaintindihan ba tayo?."

"Yes, Sir."

Agad akong umalis ng opisina pagkatapos kong iabot sa assistant ko ang folder na may lamang litrato niya.

Where are you, UK? Saan ka kaya pumunta? Gustong-gusto na kitang makita. Gustong-gusto ko nang masilayan ang ngiti mo at marinig ang tawa mo. Parang kailan lang siya ang naghahabol sa'kin. Ang bilis naman bumaliktad ng mundo. I smiled in my mind when I remembered the place where we first met. After few minutes, I found myself entering the same fastfood. Kung hindi dahil kay Xanley hindi siguro kami magkikita ng araw na 'yon. Pinilit niya akong pumunta roon para bumili ng paborito niyang burger at chicken.

Para akong baliw na ngumingiti habang inililibot ko ang paningin sa loob ng fastfood habang pumipili sa counter.

"Good afternoon, Sir."

"Good afternoon. Isang Chickenjoy Super Value Meal."

Bigla akong nainis nang matantong wala na pala ako mauupuan. Okupado na lahat ng mga upuan. This is what I hate about eating in fastfood. Tss. Hindi ako komportable.

Ipapa-take out ko na lang sana ang order ko nang magawi ang tingin ko sa pinakadulong upuan. Mag-isang kumakain ang babaeng nakatalikod sa direksyon ko.

Hindi naman siguro masamang mag-share ng upuan. I immediately walked to her spot. Nakayuko siya at mukhang may binabasa sa cellphone niya habang kumakain ng fries.

"Excuse me, Miss. Puwedeng makiupo rito? Wala na kasing bakante." Her head slightly nodded so I presumed I am allowed to sit.

I sat and started to eat my food when my gaze accidentally passed through her but---

"R-reign?" My heart throb. My eyes went wide and I blinked twice but it's her. It's really her!

"Reign..." I called out but she didn't even moved a bit. Kumakain lang siya habang nagbabasa.

"Reign, talk to me, please?" Pero wala. Parang wala siyang naririnig. I thanked the heavens for bringing me here. Akala ko mahihirapan akong hanapin siya. Dito ko lang pala siya matatagpuan.

"Reign." I called out for the third time but she didn't lift her head. Is she playing deaf? Or she didn't really hear me?

"Gold Reign." Napilitan akong kunin ang cellphone niya para makuha ko ang kanyang atensyon. I did. Nag-angat nga siya ng tingin. But when I finally met her gaze, I almost fell from my seat. I literally froze. Her eyes never show any emotion. Her gaze is cold and lifeless. She seems to be a different person now. Malayong-malayo sa Gold Reign na nakilala ko.

"U-UK..." I muttered. Bakit parang nakakalibot ang paraan ng pagtingin niya?

She didn't utter any word, instead she snatched her phone back. Isinuksok niya ito sa loob ng kanyang bag at saka itunuloy ang pagkain na parang wala lang.

I was just staring at her the whole time she ate her food. Pagkatapos niyang kumain ay basta na lang siya nagpahid ng bibig at tumayo na parang hindi niya ako nakikita.

"R-Reign!" Nataranta ako nang tuluyang tumalikod at tinungo ang exit. I can't help but to get frustrated. Sinundan ko siya sa labas at nakita kong pumasok siya sa National Book Store.

"Uyab Ko! Kausapin mo naman ako!" Pero hindi pa rin siya sumagot at nagtungo sa fiction books section.

"Gold Reign Mijares and soon to be Mrs. Villaceran, kausapin mo ako or else magwawala ako rito!"

Hinawakan ko siya sa braso at pinilit ipinaharap sa'kin pero kusa din akong bumitaw nang magtagpo ang aming mga mata. I can't stare any longer in her eyes. Pakiramdam ko matutumba ako anumang oras.

Ito ba? Ito na ba ang naging bunga ng ginawa ko sa kanya? 

-GREATFAIRY

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon